^

PSN Showbiz

ABS-CBN, inalala ang pagkawala ng franchise

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
ABS-CBN, inalala ang pagkawala ng franchise
Direk Lauren Dyogi

Tatlong taon na palang walang franchise ang ABS-CBN kahapon.

Kasabay nito ang pagkawala sa ere ng ABS-CBN, DZMM Radyo Patrol 630, at MOR 101.9.

 Nakatatak na ang May 5, 2020 na tinuturing ng mga media observer na isang malaking blow sa media freedom at access sa information ng kasaysayan ng bansa.

At isa sa nagkomento sa pag-alala ng tatlong taong pagkawala sa ere ng network ay Jake Ejercito “A win for insecure and sycophantic politicians and a loss for Filipinos the world over— but we’re still here #Kapa­milyaForever.”

Nauna nang binanggit ni Direk Lauren Dyogi na sa kasalukuyan ay tanggap nilang content creator na sila. “For now, you need to understand that we’re not a network anymore. We don’t have a franchise. We’re a media company. We’re a content creator now. So wherever we can bring our content with the biggest reach, and we have to recognize that GMA has the biggest reach right now, and they’re the no. 1 station,” aniya sa aming interview sa Star Magic head nang ipakilala nila sa media ang grupong Hori7on weeks ago.

 

ABS-CBN

LAUREN DYOGI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with