Farm ni Dimples sa Calaca, puno ng mangga, avocado, mais at iba pa

Dimples
STAR/ File

Nakisaya ang Kapamilya actress na si Dimples Romana sa pagdiriwang ng ika-188 taong anibersaryo ng Calaca, Batangas.

Yup, dahil andun ang malawak na farm ng actress.

At bilang isang Calaqueño, tuwang-tuwa siya na pagkatapos ng plebisito noong Setyembre 3, 2022, unanimous ang naging boto ng  kanyang mga kababayan na gawing component city ang Calaca. “With the cityhood of Calaca, maraming nagbukas na oportunidad hindi lang in terms of livehood, infrastracture and delivery of major services,” ani Dimples sa isang interview.

Hirit pa niya, dahil progresibo na ang nasabing bayan ay ganado siyang payabungin pa ang kanyang farm na tinaniman niya ng mangga, avocado, mais at iba pang mga prutas at gulay.

Nakikiisa rin ang aktres sa pagdaraos ng CalacAtsara Festival mula Mayo 1-10, 2023 na may temang Calaca Rising: Higher Power.

Ayon naman kay Mayor Sofronio “Nas” C. Ona, Jr. ang pagdaraos ng nasabing kapistahan ay upang bigyan ng importansya ang kultura at kasaysayan ng lungsod.

Noong Mayo 1, naging panauhing pandangal si  Sen. Bong Go para pasinayaan ang nasabing okasyon. Doon din nagkita sina Batangas Vice Governor Mark Leviste at Phillip Salvador.

Bukod sa CalacAtchara, meron din silang ongoing Green Power: Calaca City Agri-Fair kung saan tampok ang iba’t-ibang ipinagmamalaking mga produkto ng bawat barangay at Pinaka Contest  kung saan kikilalanin naman ang mga produktong pinakarami ang nakilahok.

Bahagi rin ng pagdiriwang ang Power of Story: Calaca Film Festiva na nagsho-showcase ng full-length at short story features na pumapaksa sa kuwento ng katapangan at kadakilaan ng mga Pinoy.

Bilang pagkilala sa kontribusyon ng LGBTQIA+ community, tampok din sa selebrasyon ang Power Within: Ms. Gay Calaca City 2023 competition.

Anyway, isa na talaga si Dimples sa mga artistang nakapag-ipon.

Bukod sa nasabing farm nakapagpatayo siya ng building, may investment sa restaurant sa Singapore at nagpapaaral ng anak na nagpipiloto sa Australia.

Show comments