^

PSN Showbiz

Naghasik ng kilig sa kasal ni Direk Cathy Daniel, bukas na bukas din handang pakasalan si Kathryn!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Naghasik ng kilig sa kasal ni Direk Cathy Daniel, bukas na bukas din handang pakasalan si Kathryn!
Daniel at Kathryn
STAR/ File

Kuwento sa amin ng manager ni Joross Gamboa at ka-PEP Troika na rin, nagpaalam daw muna ang aktor sa taping ng The Missing Husband dahil kailangan daw niyang daluhan ang wedding ng kabarkada niyang direktor na si Direk Cathy Garcia.

Hindi na gagamitin ang apelyidong Molina dahil nagpakasal na ito kay Louie Sampana na isang cinematographer.

Nagpakasal uli si Direk Cathy pagkatapos niyang mabyuda ilang taon na ang nakaraan.

Kaya sa susunod na pelikulang ididirek nito, gamit na ang pangalang Cathy Garcia-Sampana.

Matagal na naming narinig ang balak na pagpapakasal, at natuloy na nga ito sa isang simpleng sere­monyas sa isang beach sa Zambales.

Bukod kay Joross, dumalo rin ang ilang kaibigang artista na sina Ian Veneracion, Jeff Tam, Janus del Prado at Alden Richards.

Sila lang ang nakita ko sa Instagram post ni Joross. Meron din siyang ipinost na parang short film na pinamagatang Peliku-Love na dinirek ni John Lloyd Cruz.

Nasa Twitter din ang video na si Kathryn Bernardo ang nakasalo ng bouquet ni direk Cathy.

Todo kantiyaw si Daniel Padilla na kaagad naman niyang sinagot na “bukas na bukas din!”

Sabi pa nila, meant to be raw talaga ang KathNiel, dahil si Daniel din ang nakakuha ng garter at siyang nagsuot nito kay Kathryn.

Kaya todo kilig ang fans na naghihintay na lang ng announcement kung kailan na ba ang kasalang Daniel at Kathryn.

Congratulations muna kay direk Cathy na abangan din natin kung magri-retire na ba siya para makapag-focus naman siya sa bubuuin nilang pamilya ni Louie Sampana.

Ricky, pinaglalaruan ang mga katrabaho!

Nakakatuwa si Ricky Davao kapag nagdidirek siya ng isang drama series, dahil lumalabas pa rin talaga ang pagiging aktor niya.

Minsan daw nakakaramdam siya ng inggit sa mga eksenang pinapagawa niya, dahil parang mas type raw niyang siya na lang ang umaarte.

Tinanong kasi namin kung alin na ang mas lamang sa kanya ngayon, ang pagiging aktor o pagiging direktor? “Ako palagi kong sinasagot, first and foremost, I’m an actor and ‘yung pagiging director ko, dumating na lang ‘yan halfway dun sa career ko e.

“Siguro medyo pantay na. Pero still, actor pa rin ako and sometimes ‘pag nagdidirek ako at magagaling ‘yung artista, at maganda ‘yung kuwento, maganda ‘yung script, naiinggit pa rin ako,” napapangiting pahayag ni direk Ricky nang nakatsikahan namin sa DZRH nung nakaraang Martes.

Kapag mga kasabayan niyang artista ang nakakasama niya sa isang drama series, pinag­lalaruan daw niya minsan na parang gusto niyang siya na ang umarte sa isang eksena. “Sometimes nga nakikiarte rin ako e. Uy pwede nating gawin na ganito, ganyan, lalo na ‘yung mga colleagues ko, ‘yung mga nakasabayan ko.

“Minsan nga niloloko ko ang mga kasabayan ko, ‘o ‘pag hindi n’yo pa mini-memorize ‘yan, ako na gagawa.

“Sometimes, papasok ako sa tent nila, minsan suot ko ‘yung costume nila, kaya lang masikip. ‘O hindi ka pa ba lalabas, ako na gagawa nito. Tapos natatawa na sila.

“Binibiro ko lang naman para maging light, kasi mabigat na ‘yung eksena e,” dagdag na kuwento sa amin ni direk Ricky.

Siya ang direktor ng bagong afternoon drama ng GMA 7 na The Seed of Love.

Natutuwa siya dahil magagaling daw ang mga artista niya na pinangungunahan nina Glaiza de Castro, Mike Tan, Valerie Concepcion, Boy2 Quizon at marami pa.

Ang laking bagay raw talaga kapag magagaling na ang mga artista, napapagaan daw ang trabaho sa taping. “Talagang kalahati ng trabaho ko tapos na. Kasi talagang sa set, lalo na ngayong medyo nagkaroon na tayo ng ano kasi… halimbawa 16 working hours na lang tayo. Dati 24 hours, 25. Ngayon bawal na ngayon ‘yun. May ruling na 16 hours. So, kailangan talaga systematic ‘yung trabaho namin.

“Nakaplano kami for every sequences. Ganundin ‘yung mga artista,” saad pa niya.

Mapapanood na sa May 8 ang The Seed of Love bago mag-Fast Talk with Boy Abunda.

DIREK CATHY GARCIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with