Ex at current nag-usap...Phillip walang planong dalawin si Kris sa Amerika, nagpasalamat sa pag-aalaga ni Mark

Phillip, Bong, at Mark

Nagkita pala sina Batangas Vice Governor Mark Leviste and Phillip Salvador kahapon sa isang event sa Batangas - sa CALACAtchara Festival in Calaca, Batangas.

May nagpadala sa akin ng photos kung saan magkasama sina Phillip na ex ni Kris Aquino at ang pulitikong kasalukuyang karelasyon ni Kris.

Nagsagawa raw ng inspection sa Taal Health Center at Distribution of Aid to Individuals in Crisis Situation (AICS) ang grupo ni Sen. Bong Go kasama ang actor na inactive na ngayon sa kasalukuyan sa showbiz.

Kaya tinanong ko ang current ni Kris na si Vice Gov. Mark kung anong reaction niya nang magkita sila at kung ito ba ang first time nilang nagkausap ni Kuya Ipe na ama ng eldest son ni Kris na si Joshua.

“First time since Kris and I got together,” sagot ng pulitiko sa Viber message.

Aniya ay nagpasalamat si Phillip sa pag-aalaga niya kay Kris at sa dalawang anak nito na sina Joshua at Bimby.

Nabanggit din ng Vice Governor ng Batangas sa Viber message na lahat ay good words ang sinasabi ni Kuya Ipe tungkol sa mag-iina.

At nang tanungin ko siya kong kelan siya babalik sa Amerika para dalawin ang girlfriend aniya ay “May 13 for Mother’s Day (May 14).”

Ten days daw siya sa Amerika.

Pero nabanggit nitong wala raw sa plano ni Phillip na dalawin si Kris na kasalukuyan pa ring nagpapagaling sa kanyang autoimmune diseases.

Naunang nabanggit ni Kris na blessing sa kanya ang pulitiko.

“You’ve been a blessing to be with me/us every step of the way since my birthday because you’ve seen the deep bone pain I endure, the hives and bruises that multiply when exposed to the wrong environment, and you worry together with Bimb, my team, and the rest of my adoptive Houston, OC, and LA families when my BP (blood pressure) starts rising and hits a triple whammy with the systolic at 150+, the diastolic at 105+, and my heart rate hitting 100, too,” sabi nito sa isang IG post.

“Your willingness to be here to see me through these difficult tests and nonstop doctors’ appointments has made me even more grateful to have gotten to know the real you better,” dagdag pa niya kung saan binanggit pa ng dating TV host na ang maraming photos in her recent health updates ay kuha ng pulitiko.

Magkakapamilya, may banggaan sa 2025!

Mas mainit pala ang magaganap na election sa 2025 particularly sa local level.

Magkakapamilya raw ang maglalaban sa isang syudad sa Metro Manila.

Kaya abangan daw dahil tiyak na may magaganap na mala-teleseryeng pangyayari sa 2025.

Show comments