^

PSN Showbiz

‘Universe na lang, huwag nang Miss’ Gloria Diaz kontra sa pagsali ng mga misis at transvestites sa Miss U!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
‘Universe na lang, huwag nang Miss’ Gloria Diaz kontra sa pagsali ng mga misis at transvestites sa Miss U!
Gloria Diaz

Maganda ang proyektong sisimulan ni Direk Joel Lamangan pagkatapos niyang dumaan sa triple bypass surgery nung nakaraang taon.

Ngayong linggo ay magsu-shoot na siya ng isang magandang material na sinulat ng line producer din niyang si Dennis Evangelista.

Kuwento ng mga matatandang prostitute na kahit may edad na patuloy pa rin sa pagbebenta ng aliw. Tinawag silang Lola Magdalena na pagbibidahan ni Gloria Diaz bilang si Dalena, kasama sina Perla Bautista, Liza Lorena, Pia Moran , at Sunshine Cruz.

Nagkaroon sila ng story conference nung nakaraang Linggo, sa Max’s Restaurant na dinaluhan ng buong cast.

Kasama rin sa movie project na ito sina Angel Guardian, Carlo San Juan, Jim Pebanco, Harlene Bautista, Marcus Madrigal, Angela Cortez, Dorothy Gilmore, at Jonee Gamboa.

Nakatsikahan namin si Gloria Diaz at napag-usapan namin ang nalalapit na Miss Universe-Philippines.

Ibang-iba na ngayon ang ganitong competition dahil welcome nang sumali ang mga transwoman pati ang mga may anak na.

Iba ang pananaw dito ng kauna-unahang Pinay Miss Universe.

Aniya; “Di dapat, Universe na lang, huwag nang Miss. Kasi, hindi na Miss yon, di ba?

“Dapat ‘Universe’! Hindi, I think they even include transvestites. Siyempre, going with the times, ‘no?

“Pero my personal opinion — which is not to be taken in the negative way — dapat may sarili silang contest. May Mrs. Universe, may Lesbian Universe, may Tranny Universe.

“There is room for so much. Oo, mga category na ganoon, ganyan. Tapos, kasi even sa Mrs. Universe, andaming magaganda diyan na nanganak na. Okay lang yon!”

Nilinaw niyang hindi siya homophobic dahil reyna nga siya ng mga bakla, at love na love daw niya ang mga kabadingan. Pero para sa kanya, may kanya-kanya tayong kumpetisyon na puwedeng salihan.

“Kasi dapat may sarili silang contest. Not that I’m ostracizing them, but they’re good in some things, e. Kung sa talent portion lang, e, the regular Miss Universe does not really have talent, di ba?” sabi pa ni Gloria Diaz.

Anjo, binigyan ng trabaho sa senado ni Jinggoy

Ang laki nang pasasalamat ni Anjo Yllana kay Sen. Jinggoy Estrada dahil binigyan siya ng trabaho sa tanggapan ng Senador.

“Nag-apply ako kay Sen (Jinggoy), sabi ko ‘Sen wala akong trabaho, baka naman puwede. E mga dalawang linggo, tinanggap na niya ako,” pakli ni Anjo nang nakatsikahan namin sa DZRH nung nakaraang Linggo.

Mina-manage na ngayon ng Viva si Anjo kaya hindi naman siya nawawalan ng trabaho sa pelikula. Pero wala naman daw siyang ibang source of income kaya kahit pang-araw-araw lang daw na gastusin, meron siyang napaghuhugutan.

“Itong pagpasok ko sa Senado, talagang pang kain ko lang sa araw-araw. Kaya nga empleyado ako dun, pumapasok ako every day,” dagdag niyang pahayag.

Hindi raw ito para sa kung ano mang political plans niya sa darating na eleksyon.

Ang maganda lang daw na nangyari ay naging close friends daw sila roon ni Sen. Robinhood Padilla.

Madalas daw silang nagkikita sa Senado at talagang ang bait daw sa kanya ni Sen. Robin.

“Ngayon mag-bestfriend na kami. Sobrang naramdaman ko yung pagmamahal ni Robin. Tuwang-tuwa ako kay Sen. Robin Padilla, napakabait,” bulalas ni Anjo.

Pagkatapos ng malaking gulo sa kanila noon na naging dahilan pa nang paglipat ni Anjo at mga kapatid niya sa Parañaque, dahil magkalapit sila noon ng bahay sa Fairview, Quezon City.

Naayos naman daw sila noon, pero hindi talaga sila naging magkaibigan.

“Matagal na kami naging maayos. Civil lang. Siyempre nagkasamaan ng loob, may mga baril barilan pa nga nung araw.

“Magulo nun e. Although, hindi naman kami magkaaway, may nangyari lang.

“Pero nung nagkita kami sa Senado…sabi nga sa akin, ‘tol tumakbo ka nang senador. Sabi ko, hindi, pang local lang ako, hindi ako pang-national. Sabi niya, hindi mahal ka ng mga tao, tumakbo ka.

“Natutuwa ako, kasi nakikita niya na kaya ko, malapit ako sa tao, pero local lang ako e,” dagdag na kuwento pa ni Anjo.

“Natutuwa ako, kasi kunwari sa Christmas party, dalawa kaming host, ‘o eto bestfriend ko dati. Parang nagdyu-joke.

“Alam mo pag nakita niya ako, tatawagin niya ako, dadalhin niya ako sa kuwarto kaming dalawa lang. Tapos nag-uusap kami.

“Super sweet ni Robin, ang talino, ang galing! Ang sipag pa niya. Everytime na nakikita niya ako, malayo pa lang. Tol tol! Tatawagin niya ako.

“Ngayon, parang kapatid na nga ang turing niya sa akin. Kaya natutuwa talaga ako kay Robin.”

Hindi pa okay ngayon si Anjo sa kanyang pamilya, at hindi pa sila nagkaayos ng kapatid niyang si Jomari Yllana, kaya’t ang itinuturing niyang pamilyang hindi bumitaw sa kanya ay sina Sen. Jinggoy Estrada na nagbigay sa kanya ng trabaho, at si Sen. Robin Padilla na halos kapatid na ang turing sa kanya.

vuukle comment

GLORIA DIAZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with