Pagkatapos ng Darna... Jane, naging abala sa pagbiyahe!

Jane
STAR/ File

Bakit nga ba parang nawala sa eksena si Jane de Leon pagkatapos ng Mars Ravelo’s Darna?

Ano bang pinagkaabalahan niya?

“After Darna ang dami ngang nagsasabi na nasaan na daw ako... ganyan. Inaantay nila ako. Hindi raw ako nagpapakita.

“Well, kasi ano po, una nag-vacation muna ako and I did a lot of shoots nga especially endorsements and may mga upcoming project talaga ako, movies.

“Hindi lang po talaga namin pwedeng sabihin sa lahat,” umpisa ng Kapamilya actress sa ginanap na contract signing niya bilang first ever face of Freshies by Juju Glow (collagen drink).

Dagdag niya pa “Ngayong taon yata ang dami kong bansa na pinuntahan. Pumunta akong Japan, Singapore, tapos may mga out of town din po ako and babalik po ulit kaming Japan this May, next month with my family and Bangkok din pala. Sa totoo lang ang dami rin po talagang ganap.”

Pero hindi naman daw lahat personal. “Personal and work. May mga work din, ‘yung Thailand, is work,” paliwanag pa ng pinakahuling gumanap na Darna sa TV series.

“Gusto namin surprise and ‘yun maraming good news naman na dumara­ting sa akin after nun. Kaya ngayong May actually ini-enjoy ko na ‘yung time ko kasi malapit nang mag-start ulit ‘yung mga project ko. Probably yeah, June,” banggit pa ni Jane na in all fairness ay parami nang parami ang mga endorsement.

“Ano kasi eh more than one... iyong movies. So marami talaga kayong aabangan.”

Biglang may sumingit na tanong kung project na ba ito with Janella Salvador or Joshua Garcia? At nami-miss niya ba ang dalawang dating katrabaho sa Darna?

“Opo (nami-miss ko sila). I mean open naman po ako sa kanila and sobrang gagaling nilang mga artista. I mean lahat eh, lahat ng nakatrabaho ko gusto ko po ulit silang makatrabaho.”

Anong mga ‘di niya mali­limutan nung nakatrabaho niya ang dalawa?

“ Siguro po ‘yung kapag magkaka-eskena kami, ang pinakagusto ko po kasi is palagi po kaming nagtutulungan sa mga scene and pinag-uusapan namin lagi ‘yung mga character namin. And siguro kung makakatrabaho ko sila, ibang tema naman.”

Pero sa ngayon nga raw ay kanya-kanya muna sila. “For now kami nila Janella and Joshua, we have our own projects muna after Darna and sana soon maybe after, we can do a collab.”

May mga nagsi-ship kasi ng girls’ movie para sa kanila ni Janella.

May communication pa rin ba siya kay Janella?

“Yeah, we have actually kasi kakagaling ko lang din Singapore so sabi nga ni Jea (Janella) lagi nya akong kinukulit. Kelan daw ba ako babalik and maybe this week baka magkita kami kasi nag-promise ako na bibisita ako sa kanya kasi galing din siyang Japan. So continuous naman ‘yung communication namin together.”

Open ba siya sa mas daring role?

“Ako naman I’m open kung ano man po iyong story. Based naman po sa story and kung meron sa future, why not. I’m okay with him (Joshua).”

How about Janella? “Of course Janella hindi ko na tinatanong ‘yan. Si Janella lagi ko naman gustong makatrabaho ‘yan.”

Pero ayaw pa niyang sabihin kung anong pelikula ang next project niya.

“Siguro something new sa action kasi nakita ako ng mga tao seryoso ako lagi sa Probinsyano, sa Darna, I think medyo nalalayo naman sa mga ganoong characters. Ayaw ko sabihin ‘yung movies.”

Ramdam ba niyang mas dumarami ang endorsement niya, isa ba ‘yun sa nagawa ng pagiging Darna niya?

“And ‘yun nga nagpapasalamat ako na nagtitiwala sa akin ‘yung mga brand and I don’t want to expect anything naman. Kung may darating, I just need to accept and tanggapin talaga na for me and kailangan ko lang talaga ibigay sa kanila ‘yung kailangan din nila,” sagot pa niya.

Handa ba siyang magtrabaho sa GMA o sakaling magkaroon ng collab ang ABS-CBN at Kapuso Network at sino sa kanila ang gusto niyang maka-partner?

“John Lloyd (Cruz) I want to work with kuya Lloyd and Alden (Richards), I want to work with Alden. Marami, kahit sino open ako kahit girls open ako.”

Pero idiniin niyang loyal Kapamilya siya. “I’m still Kapamilya po and may mga nagpaparamdam naman but it’s my choice to stay sa network and alam ko naman po na with our situation ngayon sa nangyayari with ABS hindi naman nila pinapabayaan ‘yung mga artist nila. I know na hindi naman lahat talaga, let’s be honest, nabibigyan ng mga project but I know that binibigay nila ‘yung best nila para mabigyan lahat ng mga artist ng opportunities and projects.”

Meron pa rin siyang contract with ABS and Star Magic.

“Yes meron po. They are open. Ang maganda with ABS ngayon is hindi sila maramot sa mga project. And yes open sila sa collaboration or may mga project sa labas basta importante sa kanila magkaroon ng trabaho ‘yung mga alaga nila,” dagdag pa niya na feeling blessed and grateful na na­ging bahagi ng Freshies family para sa isang collagen drink.

Show comments