Handa si Xyriel Manabat na mas maging mapangahas, though idiniin niya na ang pagiging seksi ay dapat na may kaugnayan sa karakter na kanyang gagampanan.
So tuluy-tuloy ka na ba, Xyriel, sa pagpapa-sexy? “Ay hindi naman po intentional ‘yung pagpapa-sexy ko. If that’s how others see po then I’m happy po pero unintentional naman po. And okay naman po ‘ko with the way I dress po.”
“Kung necessity po siya sa story, okay lang naman po pero if just because na pa-sexy lang tapos wala naman pong relevance doon sa story or doon sa kind of character ng role ko kung hindi naman po kailangan I don’t think kailangan ipilit po natin,” katwiran ni Xyriel na nakilala bilang child actress sa mga palabas na Agua Bendita, 100 Days To Heaven and Hawak Kamay.
Paano mo gustong makilala bilang isang artista?
“Gusto ko po makita nila ‘yung dedication ko sa craft and the way I give justice to my roles po. Gusto ko po ‘yun iyong nano-notice and ‘yun iyong name-mention nila ‘pag nagbibigay sila ng comments and opinion po.”
What about love life? Kamusta naman?
“Masaya po ako. Masayang masaya po. Masayahin po akong tao.”
Nauna nang sinabi ni Xyrel na may non-showbiz boyfriend siya. “It’s not a secret naman po. Hindi naman po ako into showbiz or kasama ko sa industry. More on a private. Happy po ako. Happy super.”
Ano ang masasabi mo sa fans na nagsasabi sa’yo na ‘ay si Xyriel na pala ‘yun’?
“Nakakatuwa kasi parang talagang ang mindset nila or ang tingin nila sa akin ‘yung nakasanayan nilang baby na mataray na strict magsalita na ang liit -liit naman. So hindi ko po sila masisisi na nagugulat sila and natural naman po ‘yung mga reaction nila. As long as hindi naman po nila ako ino-objectify, wala silang sinasabing below the belt okay po ako sa mga reaction na nagulat sila. May karapatan naman po silang magulat,” aniya na nanggulat nga nang balikan ang showbiz na seksing-seksi na.
Pumapatol ka ba sa mga namba-bash? “Bashers or mga nagbibigay lang po ng comment, opinion meron naman po silang karapatan pero sana i-keep na lang nila sa sarili nila kung nakakababa po ng self esteem ng isang tao pero if it’s below the belt or kung nagse-sexualize or nag-o-objectify na sila ng ibang tao tingin ko po may karapatan ako step out the line and to call them out and to educate them in a way na polite na kaya ko po silang bigyan ng knowledge or wisdom about sa sinasabi nila,” katwiran ng dating child star.
Anong dream project mo or role?
“Ako po ever since ang dream role ko po talaga is mabigyan ng portrayal, ng justice iyong mga bata or kahit hindi bata. Iyong mga taong may special needs kasi ‘pag mga MMK or isang episode po feeling ko po hindi natin naso-showcase kung ano talaga sila araw-araw and feeling ko kapag po nag portray ako ng ganon mas maiintindihan ko ‘yung araw-araw nilang pinagdaraanan, mas mabibigyan ko sila ng halaga and mas tumataas po ‘yung tingin ko sa kanila kung paano natin sila kailanganin, bigyan ng same amount or higher respect dito po sa atin,” pahayag pa ng Dirty Linen star nang makausap namin sa pinatawag na presscon ng Star Magic sa mga darating nilang event kung saan isa siya sa ‘LaHottest Queen.’