Angeline, nagpasalamat sa birthday ng anak
Nagpasalamat si Angeline Quinto sa mga naki-celebrate ng first birthday ng anak nila ni Nonrev Daquina na si Sylvio.
“SYLVIO IS ONE! Maraming salamat sa aming mga friends and families na pupunta at naki-celebrate ng 1st birthday ng aming @babysylvio You have all made Sylvio feel very loved and made this celebration extra special! Maraming salamat din to all of our friends to helped us in making Sylvio’s birthday celebration possible and memorable for everyone.”
Nauna nang nabanggit ni Angeline sa aming interview na hindi muna nila priority ang kasal.
Pero magiging masaya raw siya kung masusundan ang kanilang anak.
“Well, may mga nagtatanong sa akin kung gusto kong sundan si Sylvio, ang gusto ko talagang anak, tatlo o apat.
“Kasi ako naranasan kong lumaki na mag-isa eh. Na hindi ko kasama ang mga kapatid ko, so malungkot. Wala kang napagsabihan ng mga problema mo,” paliwanag pa ni Angeline.
- Latest