Liza, feeling expert sa kalakaran ng love teams?!
Nakita namin iyong video interview ni Liza Soberano na nagsasalita tungkol sa love teams.
Lumalabas na expert pala siya sa love teams at sa kalakaran sa industriya ng pelikula dito sa ating bansa, pero bakit hindi niya ginawa kung ano ang alam niyang maganda?
Bakit nakisabay rin siya sa sinasabi niya ngayong hindi maayos na takbo ng sistema? Bakit hindi niya tinanggihan noon pa man ang love team nila ni Enrique Gil?
Iyan ang sinasabi namin sa ibang artista, basta nagsisimula susunod pero basta umangat na nang kaunti kung anu-ano na ang sinasabi.
Pero in fairmness hindi lang naman siya ang ganyan. Minsan may nagsabi na rin sa amin na “I’m sick and tired of the image you painted for me, kasi hindi naman ako iyon eh.”
Eh noong lumabas na kung ano siya talaga, saang kangkungan na siya naroroon ngayon at nagta-trying hard?
Maski mga artistang lalaki, ganyan. Hindi ba si Aljur Abrenica idinemanda pa ang GMA dahil ang mga ibinibigay raw naman sa kanyang mga proyekto hindi niya gusto? O si Nadine Lustre na idinemanda pa ang Viva dahil din sa hindi raw tamang pojects na ipinagagawa sa kanya noong gusto niyang umalis at magpa-manage sa boyfriend niyang si James Reid.
Nang matalo siya sa kaso, at flop din naman ang project na ginawa niya sa ilalim ng kumpanya ni James Reid, hindi ba bumalik din siya sa Viva kaya siya nakabawi agad?
Pare-pareho lang naman sila halos lahat basta umangat na.
Kaya hindi mo rin masisi ang producers na ayaw nang mag-build up at ang kinukuha na lang ay puro starlets.
Miguel Tanfelix, napansin sa voltes...
Gusto naming manood ng isang pelikulang Tagalog kaya nagpunta kami sa isang mall. Iyong pelikula sana ni Xian Lim, mura lang ang admission P239, pero ang tagal pa bago ang kasunod na screening.
Iyong isa naman kay Ken Chan pero sabi sa amin ng takilyera. “Doon na lang kayo sa Voltes V sir, wala pa kasing bumibili ng tickets sa (Papa) Mascot baka cancelled ang screening niyan sayang ang oras ng paghihintay ninyo.”
Bumagsak nga kami sa Voltes V, hindi puno ang sinehan pero marami ang nanonood. Walang bago sa kuwento, binalikan lang ang simula kung papano dumating sa mundo si Ned Armstrong, napangasawa si Mary Ann at nagkaroon ng tatlong anak na siyang bumuo ng Voltes V.
Ginawa ang pelikula para balikan ang kuwento at mas maintindihan ng mga tao ang panonoorin nila sa TV. Pero natuwa naman kami dahil maganda ang opticals. Alam mong ginastusan. Maganda pa sa original na gawa sa Japan.
Maganda rin na napanood namin iyon sa big screen.
Napansin din namin, mahusay diyan si Miguel Tanfelix, at ngayong hindi na siya bata, lumalabas na mas pogi pala siya at puwede talagang gawing leading man.
At napansin din namin si Miguel Tanfelix, mahusay ang arte at dahil teenager na siya ngayon, mapapansin mong pogi.
Iyan ang puwedeng bida sa pelikula. Iyan ang dapat na bini-build up. Hindi iyong kung sinu-snio lamang na wala namang ibubuga.
Social media influencer at tiktokerist, naniningil sa raket kahit walang napala ang kliyente!
Pagkatapos namin sa sine, kumain na kami sa isang restaurant, naupo naman kami sa isang mesa na malapit sa isang mesa rin na ang mga nakaupo ay apat na matrona, malakas ang kanilang kuwentuhan tungkol sa kanilang mga boylets. Hindi man nila binanggit ang pangalan.
Dahil sa description nila nahulaan namin ang dalawa sa kanilang pinag-uusapan. Iyong artista raw na pogi at mukhang bagets pa kahit hindi na, na sumasama raw for P20K, pero hindi siya enjoy kasi raw “Vienna sausage” lang. Iyong isa naman ay iyon daw social media influencer at TikTokerist na nagsasayaw at nagwalwal sa Isang watering hole, kaya wala nang nangyari pero kinabukasan naningil pa rin.
Ang buhay nga naman.
- Latest