Elisse, uunahin ang pagpupundar kesa pagpapakasal!
Wala pa sa plano ni Elisse Joson ang pagpapakasal nila ni McCoy de Leon.
Focus daw muna sila sa pagpupundar ng ari-arian.
“I think we’re doing this step by step so now we’re focusing on our own house or our own property para stable muna ‘yung family namin before…,” mabilis niyang sagot nang tanungin ko kung malapit na ba ang wedding bells.
Dagdag niya : “alam natin medyo expensive ang magiging kakalabasan niyan. I mean even though we’re both blessed to have work, mas pina-prioritize po namin ‘yung needs talaga ng family which is ‘yung everyday expenses and having like a stable place to stay, stable family and stable relationship with each other.”
Pero may dream wedding ba siya?
“Even since I was young hindi ko naisip kung ano ‘yung dream wedding ko. Parang lagi kong iniisip gusto ko beach wedding kasi mahilig ako sa beach pero I realized after the pandemic, after the challenges we’ve had, parang ang dream wedding ko na lang ngayon is a few close friends, our loved ones in a same small space gathered all together to celebrate our love for each other, parang ok na po sa akin ‘yon.”
What about dress?
“Something comfortable. Actually ang nilu-look forward ko ‘pag nagkaroon ng wedding is ‘yung honeymoon destination after more than the wedding.”
Saan ang type mo na destination?
“Parang hindi lang po isa. I’d want to see a lot of parks in the world na kasama siya making memories, wala pa naman in particular na destination.”
What about kids? Ilang kids ba ‘yung plano n’yo?
“Four. Meron naman pong plans, it’s just that we’re really enjoying our time with Felize (two-year old daughter nila) now kasi sobra talagang special na bata si Felize sa aming dalawa. Sobrang bait niya alagaan. Sabi namin ‘pa’no kaya ‘yon ‘pag susunod na anak? Baka mamaya meron tayong favoritism pero dapat hindi.’ ‘Yung mga ganon. So we’re just really enjoying our time with Felize now.”
Nag-i-school na ba si Felize?
“Hindi pa po. Kaka-two years old pa lang po siya pero malapit-lapit na. Isa rin po ‘yun sa pinaghahandaan namin.”
Anong klaseng mom ka?
“Ako ay hindi mapagbawal na nanay. I mean as much as possible, as long as I’m there, present to her, gusto ko nae-experience niya on her own, natututo siya on her own. If ever meron siyang gawin, gusto kong ma-try niya. Gusto kong masasaktan man siya, gusto kong I’m just there to help her and guide her pero hindi ako ‘yung tipong ‘’wag ‘yan, bawal ‘yan.’”
Familiar ba siya sa work mo sa showbiz?
“Siguro at this age, hindi pa masyado pero ‘pag meron kaming pinapanood sa TV na shows namin like me sa Dirty Linen or ‘yung kay McCoy sa Batang Quiapo, tinuturo niya, makikita niya, tinuturo niya sa TV ‘yung ‘mommy! Daddy!’ pero I don’t know if she’s already aware na… ‘yung trabaho namin.”
Nakikita mo ba kung gusto niyang mag-showbiz?
“’Yun nga po mahilig siya sa harap ng camera, eh. Natutuwa siya sa harap ng camera. Hindi ko alam kung ok ba ‘yon or hindi pero she enjoys being in front of the camera, being with people, entertaining.”
May mga offer na siyang endorsement?
“Ngayon po there are a few. Pero ‘yun talagang face of brand wala pa po. We’re excited maybe in the future when she’s a little bit older so mga three or four, mas kaya na niyang mag-ano ng ganon. Sa ngayon digital postings. And also, sa damit meron din siya.”
Hindi na napag-usapan sa naging interview namin ang ang dinaanan nilang problema ni McCoy bago naging maayos ang lahat sa kanila.
Anyway, pangungunahan ni Elisse ang special tribute para sa celebrity mommies ngayong darating na Mother’s Day sa pamamagitan ng kauna-unahang Star MAMAgic Day sa Mayo 10 (Miyerkules).
- Latest