Under medication din sa sakit na hypothyroidism si Ria Atayde.
Ito ang inamin ng aktres nang nakachika namin siya pagkatapos ng #StarMagicSaveTheDate mediacon last Wednesday afternoon.
Early this year lang daw nadiskubre ng kanyang doctor ang kanyang medical condition.
“I was diagnosed early this year. Pero gallbladder ko parang 10 years na kong wala,” umpisa ng actress.
Pero hindi pa naman daw ito kailangan ng operation.
“No need for surgery pa naman po pero I’m medicating for the hormones.”
May mga bawal ba sa ganitong condition?
“Actually bawal stress, bawal mapagod pero keri lang,” sagot ng 2023 Calendar Girl ng White Castle whisky.
Ayon sa mayoclinic.org, kasama sa sintomas ng may hypothyroidism ang mga sumusunod : Tiredness, More sensitivity to cold, Constipation, Dry skin, Weight gain among others. “Yeah, it makes more sense to me now, I’m super lamigin, oo ang daming mga ‘ah kaya pala ganyan ako.’ I get tired easily.
“For the longest time I’m so frustrated kasi I’d workout four to five times a week, wala, I was maintaining lang, gaining pa nga sometimes,” pag-amin niya.
“And then ‘yon when that happened, ‘finally, thank God,’ ‘di ba. That’s ok, baby steps.”
Parang trending lately ang sakit na hypothyroidism.
Nauna nang umamin si Miles Ocampo na nagkaroon siya nito pero mas mataas na level (papillary thyroid carcinoma) na agad inoperahan.
Si Bea Alonzo ay ikinumpisal din kamakailan lang na may ganito rin siyang condition kaya siya tumataba.
Ilang taon na ang nakakalipas nang umamin sina Angel Locsin and Shaina Magdayao na meron din silang ganitong karamdaman.
Kaya ang tanungan, dahil daw kaya ito sa lifestyle?
Pero ayon sa isang doctor na tinanungan ko, si Dr. Edgar Manalastas ng Angeles University Foundation Medical Center “Wala akong alam na lifestyle-related.”
Meron din namang nag-speculate sa TikTok na baka raw vaccine, dahil ang dami raw lately ang may ganitong condition.
Ayon sa mayoclinic.org, hindi agad mararamdaman ang sintomas nito kapag early nasa stage pa.
“Hypothyroidism happens when the thyroid gland doesn’t make enough thyroid hormone. This condition also is called underactive thyroid. Hypothyroidism may not cause noticeable symptoms in its early stages. Over time, hypothyroidism that isn’t treated can lead to other health problems, such as high cholesterol and heart problems.
“Blood tests are used to diagnose hypothyroidism. Treatment with thyroid hormone medicine usually is simple, safe and effective once you and your health care provider find the right dosage for you.”
Samantala, in the pipeline na ang bagong teleserye ni Ria na gagawin.
Makakasama niya rito sina Jane Oineza, Tony Labrusca and JC de Vera.
Pero wala pang title though hoping siya na within the next quarter ang airing nito.
Kumusta ang lovelife?
“Happy, happy naman. Super good,” aniya sa relasyon nila ni Zanjoe Marudo na hangga’t maaari ay ayaw niyang masyadong pag-usapan.