Mga anak ng celeb, parang mga anak ng bayan!
Maganda ‘yung ginagawa ni Iza Calzado-Wintle na i-share niya ang photos ng anak nila ni Ben Wintle na si Baby Deia Amihan sa public.
‘Yung hindi niya ipinagdamot sa followers niya na makita ang unti-unting paglaki ng anak.
Ganun din sina Lucky Manzano at Jessy Mendiola. Kasi nga hindi tulad ng ibang stars na parang ipinagdadamot ang photos ng anak nila, sina Iza at Luis natutuwa sa pagpapakita ng mga anak nila. Na-bash sila noong una na bakit hindi raw nila ipinapakita ito pero naghintay lang naman sila ng tamang panahon bago ilabas ito sa publiko.
Ngayon ay proud na proud na silang ipakita ang kagandahan ng daughter nilang si Rosie na lutang na rin agad ang ganda. Walang duda na nagmana ito sa kanyang parents.
Palagay ko dapat lang dahil sa rami ng followers nila na nagmamahal sa kanila, gusto rin ng public na nakikita ang paglaki ng mga anak ng celebrity na kanilang hinahangaan. Iyon bang lumalaki sila under their eyes.
Gaya ng pagmamahal nila sa mga anak nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na sina Zia at Sixto.
Parang anak ng bayan ang mga batang celebrity. Natutuwa silang makita kahit lang sa mga litrato lang.
Kaya naman binabantayan nila ang bawat kilos ng mga ito at kung minsan ay sumosobra na rin ang mga tagahanga at nawawalan na rin ng privacy ang mga anak ng mga celeb.
Future idols din kasi ang mga anak ng celebrities. Hindi na nakakapagtaka na sumunod din sila sa yapak ng mga magulang nila at pasukin din ang showbiz.
At tiyak na sa kanilang paglaki parang feeling ng bayan part sila sa pagpapalaki sa mga ito.
- Latest