Japanese ambassador elibs sa 'Voltes V' theme rendition ni Julie Anne San Jose

Litrato ni Julie Anne San Jose (kaliwa) at cast ng "Voltes V: Legacy"
Mula sa Instagram account ni Julie Anne San Jose; Screengrab mula sa Youtube channel ng GMA Network

MANILA, Philippines — Hindi lang mga Pinoy ang humahanga sa Filipino live-action adaptation ng "Voltes V: Legacy" ngayon, pati na ang ilang Hapon na nabilib sa bersyon ni Julie Anne San Jose sa legendary anime theme song nitong "Voltes V No Uta."

Ipinatikim kasi ng Sparkle GMA Artist Center sa social media ang pag-awit nito ni Julie Anne — na sumikat nang husto sa pagganap niya sa "Maria Clara at Ibarra" — kahit na Japanese ang lyrics. Ang resulta, positibong reaksyon mula kay Ambassador of Japan to the Philippines, Koshikawa Kazuhiko.

"AN EXPERIENCE INDEED! Had the chance to watch #V5LegacyTheCinematicExperience with my wife.  It will definitely fascinate a new generation of VoltesV fans," ani Kazuhiko nitong Lunes sa Twitter.

"The bright and powerful rendition of “Voltes V No Uta” by Ms. Julie Anne San Jose perfectly match its impact."

Kamakailan lang nang i-extend ang selected cinema run ng “Voltes V: Legacy: The Cinematic Experience” hanggang ika-2 ng Mayo bago ang pormal nitong premiere sa GMA Network sa ika-8 ng Mayo.

Ilang taon na in the making ang naturang Kapuso live-action series, bagay na ngayong 2023 lang isasapubliko. Unang inere sa Pilipinas ang "Voltes V" bilang anime noon pang 1978, bagay na naging banned sa ilalim ng diktadura ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Mapapanuod ang buong Official music video ng kanta sa Youtube channel ng GMA Network, bagay na inilabas anim na araw na ang nakalilipas.

 

 

Tungkol ang palabas sa pagdating ng mga Boazanian aliens sa planet earth, bagay na gustong sumakop sa daigdig.

Nagsanib pwersa tuloy ang mga pagkakapatid na Goh gamit ang isang makapangyarihang robot (Voltes V) upang gapiin ang mga manlulupig.

Show comments