Manny Pacquiao, hindi tumupad sa usapan para sa reality show na Blow by Blow?!
Masama ang loob ng isang production team na supposedly ay magpo-produce ng reality show ni former Senator Manny Pacquiao na Blow by Blow.
Nag-commit na raw kasi ito verbally at nabuo na ang buong team at nakakuha na rin sila ng financier.
All set na diumano ang lahat pero bago pa ang green light signal, nabalitaan nilang nakipag-negotiate ang Pambansang Kamao sa ibang grupo para rin i-produce ang nasabing reality show na Blow by Blow.
Masama ang loob ng production team sa ginawa ni Pacman at parang gusto na raw nilang maniwala na hindi marunong mag-honor ng verbal commitment ang dating pulitiko.
- Latest