Kakasuhan o kinasuhan na ng pamilya ni the late Comedy King Dolphy ang may-ari ng isang brand ng whisky.
Ginamit nito sa kanilang logo ang picture ng namayapang Hari ng Komedya para bumenta ang nasabing alak.
Kaya naman ipinost ito ni Eric Quizon para raw bigyan ng babala ang mga bibili nito na bukod sa ginamit ang photo ng kanilang namayapang ama na walang paalam ay hindi pa raw ito BFAD approved.
“This serves as a warning to all. This bootleg seller is using my dad’s image and banayad whisky, which are patented and with copyrights. Furthermore, they are not registered with BFAD. At first they cooperated with us but stop communicating when the Quizons demanded them to stop selling. We have filed a case against. Please BEWARE! #banayadwhiskey #dolphy.”
Naka-post din sa Instagram account ni Eric ang public notice para rito.
Sumagot si Eric nang tanungin ko ng mga detalye tungkol dito “i cannot give details muna kasi nagtatago na sila. i will let you know as soon as our lawyers give us the go signal.”
Iron Heart.. umabot sa mahigit 286,000 ang live viewers
Sing-init na ng panahon ang mga kaganapan sa The Iron Heart matapos itong makapagtala ng panibagong all-time high live concurrent views na 286,140noong Huwebes (Abril 20).
Ayon kay Sue Ramirez, “Sa init ng pagtanggap ng tao sa serye, hindi kami nahihirapan magtrabaho. Very grateful kami sa lahat ng sumusuporta sa amin.”
Gayundin ang mensahe ni Pepe Herrera na gumaganap bilang Poseidon, isa sa Apollo 5 sa serye. “Very proud kasi maganda yung reception ng tao. Kapag maganda yung reception nila ibig sabihin maganda yung nagagawa namin at nakakarelate sila. Motivated tuloy kami na mas pagandahin pa ang serye,“ sey niya.
Napapanood ang The Iron Heart, 8:45PM sa A2Z, Kapamilya Channel, TV5, Kapamilya Online Live on Facebook and YouTube, Jeepney TV, and TFC IPTV.