Kawawa naman si Boobay.
Kahit merong sakit kailangan pa rin magtrabaho.
Pero dapat sigurong isipin ni Boobay na mas unahin niyang magpagaling bago lumala ang sakit niya.
Mahirap na maging seryoso pa ang lagay niya at baka kung ano pang masama ang mangyari.
Mas mabuting gumaling muna siya, maging maayos ang lagay bago magtrabaho at rumaket nang rumaket.
Ang hirap na biglang may mangyari sa iyo sa gitna ng trabaho.
Mas mabuting maayos muna ang lagay niya, maganda ang pakiramdam, healthy at talagang fit to work.
Talented at masarap kasama sa trabaho si Boobay kaya naman sure na marami siyang trabaho na makukuha sakaling pagaling muna siya ngayon.
Basta unahin mo muna ang katawan mo Boobay, make sure gagaling ka para mas maganda ang maging resulta ng lahat.
Health is wealth, kaya kasabay ng pagyaman sa trabaho, mayaman din ang katawan.
Dapat din tulungan niya ang sarili para maging healthy at bumalik sa dati ang lakas.
Naku Boobay isipin mong mabuti ‘yan ‘wag maging matigas ang ulo.
Pakinggan niya ang sinasabi ng katawan dahil walang masamang maging priority ang sarili.