Bea, may hypothyroidism kaya tumataba

“Aside from having PCOS [polycystic ovary syndrome], I recently was diagnosed with hypothyroidism so that’s the reason behind my gaining weight,” pag-amin ng aktres na si Bea Alonzo sa kanyang vlog.

At ito raw ang rason kaya may mga nagsasabing mukhang lumulusog siya.

Dahil din daw dito ay tigil muna siya sa paglalaro ng tennis na ginagawa nila ng boyfriend niyang si Dominic Roque.

Naggagamot na raw siya sa kasalukuyan at sana raw ay matapos na ito.

“I’m trying to address it now by working out, by dieting and taking meds for it and supplement. So wish me luck, sana matapos na siya,” chika pa niya.

Sagot niya raw ito sa mga nagsasabing nagdagdagan nga ang kanyang timbang ”‘yun po ang reason, pasensiya na kayo.”

Sumagot naman ang ibang followers na hindi niya kailangang manghingi ng sorry.

Show comments