Fans todo ang pagluluksa, Moonbin ng Astro nakitang walang buhay

Moonbin

Nagluluksa ang Korean pop community kahapon.

Ito ay matapos kumpimahin ng record label ng K-pop star na si Moonbin na natagpuan itong walang buhay.

Siya ay 25 years old lang.

Natagpuan siya ng kanyang manager sa kanyang apartment sa Seoul noong Miyerkules ng gabi, ayon sa online reports, na hindi na humihinga.

Ayon sa online reports na sinabi ng mga police: “He appears to have taken his own life but an autopsy is being reviewed to determine the exact cause of death.”

Familiar si Moonbin dahil matagal na siyang artista sa Korea.

Siya rin ‘yung super cute na batang nasa Boys Over Flowers at noong 2016 ay naging member siya ng sikat na K-pop group Astro na nakapagtanghal na sa bansa.

Ang South Korea diumano ang may pinakamataas na rate ng pagpapatiwakal ng kabataan sa mga mauunlad na bansa ayon sa mga lumabas na pag-aaral.

Noong nakaraang taon ay may ilan ding K-pop star ang natatagpuan walang buhay.

Dumagsa ang fans ni Moonbin sa iba’t ibang memorial space sa South Korea upang magbigay pugay sa kanilang iniidolo.

 

Show comments