Vice Ganda galit na galit, tumalak sa fans na nanabunot ng wig!

Galit na galit na si Vice Ganda sa mag-jowang fans na diumano’y nanabunot pagkatapos ng kanilang show sa Edmonton, Canada.
Habang nagpo-pose for souvenir photo kasama ang fans, nagulat si Vice nang hilahin ng isang fan ang kanyang wig mula sa likuran, ayon sa viral TikTok video.
Kasalukuyang nasa tour si Vice Ganda para sa kanyang show na VGful Tour sa Canada at US.
“Who did that? That’s very disrespectful! You don’t do that. You have to say sorry to me. Who did that? You don’t do that. That’s very rude. I’m trying to give you a wonderful time, but don’t hurt me. ‘Di ba? That’s not right. We have to be friends here. Don’t hurt me,” ayon kay Vice.
Masyado raw rude ang nasabing lalaki na may kasama pala raw girlfriend.
“Both of you are very rude.”
- Latest