May pinaghahandaan?! Pokwang, bumili ng baril?!

Pokwang

Nasa gun shop at may hawak na baril si Pokwang at may caption na “ang ganda...hmmm??? #magkanopo? Handa na ako! e ikaw? Hhahahaha.”

Naka-tag sa CZ Flagship Store Philippines, ang gun store na pinuntahan ni Pokwang at sa lawyer niyang si Atty. Ralph Calinisan ang post. Hindi binanggit ni Pokwang kung bibili ba siya ng baril at kung para saan sakaling bumili nga siya ng baril.

Baka kasi magpa-firing lesson siya para sa sitcom ni Bong Revilla na Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis dahil kasama siya sa cast. Pero, kung hindi para sa role niya sa sitcom at kung talagang bibili o bumili siya ng baril, ano at sino ang kanyang pinaghahandaan. Malalaman natin ito kapag may nagtanong kay Pokwang at kapag kanyang sinagot.

Noong isang araw lang, panay ang rampa niya sa GMA Annex na parang modelo sa runway suot ang iba’t ibang damit. Tapos heto at baril naman ang kanyang hawak.

Ysabel, nawalan ng hiya sa VV

Kagabi ginanap ang premiere night ng Voltes V: Legacy at ang reaction ng mga nakapanood, tama ang nabanggit nina Epy Quizon at Gabby Eigenmann na bagay ang cast sa kani-kanyang role. Kabilang dito si Ysabel Ortega na gumaganap sa role ni Jamie Robinson, her biggest project.

Malaki ang nagawa ng Voltes V: Legacy kay Ysabel sa kanyang career at sa kanyang personal development.

Nagkaroon daw siya ng bilib sa sarili na noong una ay kulang siya. “It it wasn’t for Voltes V: Legacy, I wouldn’t be as confident as I am today. Before I started this project, very shy pa rin ako as a person. I know ang hirap na paniwalaan kasi artista ako pero mahiyain ako and it’s true talaga. I was really a shy person pa rin pero I feel like while embodying Jamie, I was confident person,” ani Ysabel.

Bilang si Jamie, maangas at magaling sa martial arts at combat fighting ang karakter niya.

Nag-training siya para sa action scenes niya at nakadagdag ‘yun sa confidence niya. May mga nagsasabi namang namana lang niya ang husay ng biological dad niyang si Sen. Lito Lapid na bago pumasok sa pulitika ay isang maga­ling na action star.

This Wednesday na ang simula ng theatrical showing ng Voltes V: Legacy exclusive in all SM cinemas nationwide.

Sometime in May naman ang world premiere nito sa GMA 7 at ito raw ang papalit sa time slot ng The Write One kapag nagtapos na ang nasabing drama/fantasy series.

Tirso, Boyet at Vilma, ngayon lang nagsama-sama

Kasama pala si Tirso Cruz III sa cast ng movie nina Christopher de Leon at Vilma Santos na When I Met You In Tokyo. Hindi lang binanggit kung ano ang role ni TC III na galing na sa Japan para sa taping, basta kasama siya sa cast ng reunion movie nina CDL at Vilma.

Tama ba kaming ngayon lang magsasama sa pelikula sina CDL, TCIII, at Vilma?

Wala kaming nakita o nabasang nagsama na sila sa pelikula ang tatlo kaya pala tuwang-tuwa ang fans nila.

Ang kulang na lang daw ay si Nora Aunor at kumpleto na sana ang pagsama ng apat.

Sa nag-comment na pang bagets ang title ng movie, “APO song yan. Kasing edad namin,” ang sagot ni CDL. So, i-expect na natin na song ng APO ang magiging theme song ng movie.

Dennis at Jennylyn, hinahanapan ng mga pusa

Muling magbubukas ang Fit and Form Club nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado na nagsara noong pandemic. Sa April 23, 2023 ang soft opening ng spa, salon, at boutique na siguro nasa same venue pa rin sa Quezon City.

Nagtatanong ang fans kung kailan naman muling bubuksan ng mag-asawa ang Cat Cafe.

Nami-miss na ng netizens ang cats na puwede nilang i-pet at puwedeng maka-selfie o makunan ng photos. Iba’t ibang breed ng cats ang makikita dati na nasaan na kaya ngayon?

Speaking of Dennis, inaabangan na siya sa Voltes V: Legacy bilang si Ned Armstrong at ang alien na si Hrothgar. Sa galing ng aktor, siguradong magagampanan ng buong husay ang kanyang dual role.

Show comments