Kahit may Denial, Claudine at mayamang negosyante napapagkamalang mag-jowa

Atty. Chuco at Claudine Barretto

Ahh sa isang negosyante pala ang sinasabing jowa ngayon ni Claudine Barretto.

Si Mr. Chucho Martinez.

Ex nito ang isa ring social media personality / entrepreneur, si Mikaela Lagdameo Martinez.

May tatlong anak sila.

At ang sinasabi ngang girlfriend nito sa kasalukuyan, si Claudine.

Though ‘di pa sumasagot si Claudine nang i-chat ko tungkol dito.

Pero nang i-check ko ang Instagram account ni Mr. Chucho na Managing Partner ng Premier Law Firm and Associates ay andun nga si Claudine sa ibang mga post niya.

At sa kanyang birthday celebration ay may picture na magkasama sila kung saan ang caption nito “Thank you for making my birthday so special, it was exactly what I wanted and more. Love you all. #beautifuldayguys #happybirthdaychucho.”

Pero sa nasabing post din ay may nagtanong sa kanya ng “Is Claudine ur new Girlfriend?”

Mabilis ang reply ni Mr. Chucho “hindi po, we’re good friends”

Pero ang chika nga, sila raw ni Claudine.

Separated diumano si Mr. Chucho at ganundin naman si Claudine, so walang masama if ever.

Or baka naman client nila si Claudine.

Si Atty. Ferdie Topacio ang dating legal counsel ng aktres.

Show comments