Claudine, 80 lbs ang ipinayat!
Ang sexy na ni Claudine Barretto.
Sa mga post sa kanyang social media accounts, very visible ang kanyang pagpayat.
Kaya nang makausap ko siya sandali last Friday over the phone, with Jun Lalin, ‘yun ang una kong tinanong.
Anong sikreto ng kanyang pagpayat?
“Intermittent fasting.”
How many months, tanong ko ulit.
“Two months lang.”
Anong bawal?
“I eat everything during window hours,” aniya pa.
Eighty pounds na agad ang ipinayat ni Clau.
Ang sabi sa mayoclinic.com more beneficial ang intermittent fasting kesa sa ibang approach sa pagpapapayat.
“Some research suggests that intermittent fasting may be more beneficial than other diets for reducing inflammation and improving conditions associated with inflammation, such as:
“Alzheimer’s disease
“Arthritis
“Asthma
“Multiple sclerosis
“Stroke.”
Or depende rin siguro sa sistema ng may katawan.
Pero ito ang proof, si Claudine na pwedeng magpapayat at hindi tulad ng iba na kailangang itago ang mga taba-taba sa katawan.
- Latest