^

PSN Showbiz

Iza, ‘di kaya na walang katulong!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Iza, ‘di kaya na walang katulong!
Iza
STAR/ File

Feel na feel na ni Iza Calzado maki­pagtsikahan sa mga bagong mother, nang siya ang naimbitahan sa ribbon-cutting ng New Mama Expo na nagbukas na sa Megatrade Hall ng SM Megamall nung nakaraang Biyernes.

First work daw niya ‘yun pagkatapos niyang iniluwal si Baby Deia Amihan nung January.

Masaya siyang nakakatsikahan niya ang mga first-time mom, at nakaka-relate na siya dahil nakakapagkuwentuhan na sila sa kanilang baby.

Pero hindi pa masabi ni Iza kung handa na ba siyang bumalik sa trabaho dahil mas concern niya ngayon ang baby niyang naghihintay sa kanya.

“It’s hard to say kung kailan. Because actually dati, sabi ko, ‘Oh in three months I’ll be back on set.’ I was wrong.

“Hindi ko alam ‘yung sinasabi ko noon. Kasi, ni hindi ko maiwan ‘yung baby ko for more than three or four hours at the moment.

“So I’ll take it one day at a time. And I’ll know when that project is there, I’ll know when to say it’s time for me to go back.

“That this project is really you know worth the time, and I’m coming from a very privileged perspective to, I mean… it’s hard, ‘no?

“Kasi parang a lot of people have to go back to work right away. And this is part of my work.

“But to go back on set… kasi alam n’yo naman ‘yung oras ng pag-aartista, halos walang oras. I mean, walang set hours.

“So ‘yun lang naman ang sa akin. I would really like to focus on my baby as much as I can. And napakasuwerte ko and I do not take that lightly.

“I am so grateful that I get to spend time with my child as she grows more animated each day and stronger each day.

“So ‘yun, hindi ko pa masabi kung kailan but of course, when there is a project na talaga namang hindi natin maitatanggi e gusto ko nang gawin for whatever reasons — storyline, of course it normally starts with a script, ‘yung mga kasama mo na makakatrabaho…

“I also miss being on set. But antagal ko din naman, almost 20 years akong laging nasa set. So iba ‘yung set ko ngayon, nagwo-workshop ako ngayon.

“Ang galing ng teacher ko! Ang pangalan niya, si Deia Amihan. She’s the best teacher so far.

“Kasi bago lahat ito, e. It’s a workshop. I think motherhood is a great workshop,” masayang pahayag ni Iza.

Chill chill lang daw sila ni Ben mag-alaga kay Baby Deia Amihan.

Siya raw ang tipong clingy sa kanyang baby na nahihirapan siyang iwan ito para mag-work. Kaya kahit nasa SM Megamall nung araw na ‘yun, nandun lang daw malapit ang mag-ama niya para makasama niya agad.

Si Ben daw ang bahala sa ibang activities, like binabasahan daw niya ito ng book every morning.

Pero aminado si Iza na kailangan niya talaga ng yaya, dahil hindi raw siya ‘yung tipo ng ibang new mother na hands-on talaga sa pag-aalaga ng baby.

Hindi raw niya kaya kung siya lang mag-isa.

“And I’m so grateful for the help and support of the people around me. Coz you know, I don’t have parents anymore. Ben’s parents are away.

“And of course, you can’t naman keep bugging your friends, ‘di ba? So I don’t have that kind of support system around me.

“So I have hired help which I find, there should be no shame in that. Because they are there and you treat them as family and they treat you as family, they take care of you, they help you.

“And I’m very, very deeply grateful for that kind of support that I’m given,” saad ni Iza.

Dahil sa nag-i-enjoy naman siya sa kanyang bagong role bilang mother, handa ba siyang sundan niya ito agad?

“Bahala na ang Panginoon. We’ll see,” napapangiti niyang pahayag.

Maria Clara writer, may iniiisip gawin

Ang bongga naman pala ng Maria Clara at Ibarra na nagsimula na ang streaming sa Netflix nung nakaraang Biyernes, nag-number one na ito sa Top 10 TV Shows in the Philippines kahapon.

Sa ngayong taong 2023, ito ang unang Pinoy series na nag-number 1 agad sa Netflix Philippines.

Nag-tweet na nga ang head writer nitong MCAI na si Suzette Doctolero na nag-iisip na raw siya kung ano ang ipapa-tatttoo niya na image ng seryeng ito.

Aniya, “Yung mga shows na ginawa ko, lalo at malaki ang significance para sa akin, ipinata-tattoo ko sa katawan ko. Meron na ako sa lahat except Maria Clara at Ibarra. Shokot ako. Ano ipapa-tattoo ko? Image ng apat? Big work saka ang sakit. Naghahanap ako image ng MCAI. Pero ayoko naman ng short cut na ‘MCAI’ o salitang Maria Clara at Ibarra.”

IZA CALZADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with