Negi, bida sa SPG show

SPG show

Isang mainit at masayang summer ang maaasahan ng fans at viewers ng PIE Channel dahil sa bagong palabas na The SPG Show simula ngayong Abril.

Pagbibidahan ng makulit at nakakatawang stand-up comedian na si Negi ang The SPG Show —na ang ibig sabihin ay Saktong Pang Gabi.

Isang riot ang programang ito kaya’t tiyak na pag-usapan ang mga isyu sa lipunan at sa pang-araw-araw na buhay.

Bawat panauhin umano ay ineengganyong magpahayag ng saloobin at opinyon gamit ang sms, pagtawag, o pagsali sa mga online interview.

Kasama ni Negi sa The SPG Show si Rans Rifol ng MNL48 at ang actor-model na si Argel Saycon.

Mapapanood ito mula Lunes hanggang Biyernes simula ngayong Abril 10, 9:00 p.m. sa PIE Channel.

Sundan naman ang magbabarkadang sina James, Dave, Lars, at Cliff sa kanilang masaya, magulo, at minsan challenging na buhay sa pinakabagong PIE Shorts presents Tropa Trobol araw-araw mula Abril 2.

Ang tropang aabangan ay gagampanan nila Ishiro Incapas, Chierald Tan, Mathew Cruz, at Jay-R Albino mula sa Filipino-South Korean boy group survival reality show na Dream Maker.

Kasama ng tropa upang maghatid ng katatawanan at ‘di patatalo na si Ate Love na gagampanan ng komedyanteng si Alora Sasam.

Ngayong Abril din, samahan ang real-life dads na handang makipaglaban para tanghaling ‘Papa ng Masa,’ Ang bawat “papable” ay magpapamalas ng kanilang talento at sasabak sa iba’t-ibang pagsubok.

Abangan sila sa PIEgalingan Weekends kasama ang hosts na sina Anji Salvacion, Sheena Belarmino, at ang BB Gurlz tuwing Sabado at Linggo, 4 to 6 p.m.

Pwede ring makipagkulitan kasama ang The Chosen One Barkadahan tuwing Sabado, 7:30 p.m.

Maaaring abangan ang performances ng barkada at maki-join sa iba’t-ibang pakulo, usapan, kwentuhan, at may kasama pang interaction with fans via the KUMU app.

Show comments