^

PSN Showbiz

Maja, pinakawalan na ng Eat Bulaga sa taas ng tf?!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Maja, pinakawalan na ng Eat Bulaga sa taas ng tf?!
Maja
STAR/ File

Nagpaalam na si Maja Salvador sa Eat Bulaga, dahil magpu-focus na siya sa pag-aasikaso sa wedding nila ni Rambo Nuñez.

Naglabas ng statement ang Crown Artist Management nung Huwebes lang para ipaalam na nagpaalam na si Maja sa kanyang mga EB Dabarkads.

Sabi sa statement na ipinadala ng CAM: “Crown Artist Management would like to announce that with Maja Salvador’s upcoming wedding, and with all the uncertainties surrounding Eat Bulaga, she will be leaving the noontime show for the time being.

“Becoming a Dabarkads in Eat Bulaga was a dream of Maja that came true one and half years ago, but for now, we have to give it a pause.

“This decision was already communicated to their management so we’re hoping for your utmost understanding.”

Sa nakaraang event ng Crown Artist Management na kung saan ay winelcome nila si Marvin Agustin bilang bagong talent nila, may sinasabi na si Maja na mas tututukan na niya ang wedding preparations niya kaya baka magka-conflict sa Eat Bulaga.

Bukod pa riyan, may pinagdaanan ngayon ang naturang noontime show, at kailangan nilang mag-cost-cutting.

Sa pagkakaalam ko, mataas talaga ang talent fee ni Maja nung kinuha nila ito, kaya kailangan nilang i-let go kahit malaking kabawasan sa kanila.

Hindi lang si Maja ang magpapakasal, kundi si Maine Mendoza na rin.

Ang sabi nga, tatlong araw lang daw ang pagitan ng dalawang EB Dabarkads, at wala pa tayong ideya kung ano ang plano ni Maine kapag Mrs. Atayde na siya.

Kung hindi ako nagkamali, mas gusto ni Maine sumunod sa kung ano ang gusto ni Cong. Arjo Atayde at mag-focus din sa kanyang magiging asawa.

Kaya posibleng iwan na rin kaya ni Maine ang Eat Bulaga?

Abangan na lang natin. Kasi sa ngayon ay wala pa ring pahayag ang mga taga-Eat Bulaga kung ano na ang susunod na magaganap.

Wala pang nagsasalita sa kanila, na kahit anong kulit ko sa kanila ay ayaw nila kaming sagutin.

Wala raw silang alam kung ano na ang susunod na magaganap.

Kung totoong okay na sina Tito, Vic (Sotto) and Joey (De Leon) sa mga bagong namamahala sa Eat Bulaga na mga anak ng dating Cong. Romeo Jalosjos, ibig sabihin walang mababago at posibleng wala nang rebranding o relaunching na magaganap sa April 17.

Sa ngayon ay wala pa muna sa TVJ na magsasalita tungkol sa pinagdaanan ng Eat Bulaga.

Pero iisa lang naman ang hangad nating lahat, na maging okay lang sila at walang matatanggal lalo na sa production staff.

Anak ni Sen. Bong, pasado sa bar exam!

Pinutol agad ni Sen. Bong Revilla ang pag-Facebook live niya kahapon ng hapon dahil naging emosyonal na siya nang in-announce niyang nakapasa sa BAR exam ang panganay niyang anak na si Inah del Rosario.

Sabi ni Sen. Bong, “Nagpapasalamat po ako sa lahat po na nagdasal for my daughter, Inah. Pumasa na po siya sa BAR. Abogado na po ang aking anak na si Inah.”

Hindi na niya napigilang maluha nang magbigay na ito ng mensahe sa kanyang anak. Aniya, “Kaya, Inah… Atty. Inah del Rosario, my God! Anak, I’m very very proud of you. So, proud of you anak.

“Thank you Lord. Thank you. Thank you. “Anak, iba ka, iba! Alam ko naka-focus ka sa anak mo, nakuha mo pa ring mag-abogado.

“Para sa akin no, inalay mo ‘yan. Thank you anak! Very very proud of you. Thank you anak. I love you.”

Ang saya ng boses ni Sen. Bong nang tinawagan ko.

Iba raw ang feeling habang hinihintay niya ang resulta ng BAR.

“Akala mo ikaw ang kumuha ng BAR e. Ganun pala ‘yun?

“Kasi grabe ang hirap ni Inah diyan para makapagtapos lang siya ng abogasiya.”

Nakausap ko rin si Cong. Lani Mercado-Revilla at sobrang saya niya, at ito raw ang magandang regalong natanggap niya sa kanyang kaarawan.

Ipinagdiwang ni Cong. Lani ang kanyang 55th birthday nung Huwebes, April 13 at ito raw ang panalangin nilang lahat na makapasa ang kanyang panganay na anak.

“Kasi alam mo, gusto ng Papa ko na mag-abogado ako. Tinupad ni Inah ‘yung wish ng lolo niya.

“This is the best birthday gift na na-receive ko. Thank you, Lord, talaga,” pahayag ni Cong. Lani.

Patuloy na kuwento ni Cong. Lani, nag-pre Law si Inah sa Ateneo de Manila, pero natigil siya ng ilang taon dahil nagpakasal siya kay Vince del Rosario.

Nanirahan sila sa Davao, at doon daw itinuloy ni Inah ang Law sa Ateneo de Davao.

“Pursigido talaga siya kasi kahit nabuntis siya, may tatlong anak, tinapos niya talaga.

“Tapos naaksidente pa siya, ‘di ba?” dagdag na kuwento ni Cong. Lani.

Nakatakda nang kumuha ng BAR si Inah nang mag-ice skiing siya sa Niseko, Japan nang magbakasyon sila nitong nakaraang new year.

Pero kahit naka-brace ang paa niya at kailangan niya magpa-rehab, itinuloy pa rin niya ang pagkuha ng BAR exam.

“Grabe ang hirap, para matapos niya, makapag-BAR. Thank You, Lord, talaga, binigay Niya ito kay Inah,” sabi pa ni Cong. Lani.

Samantala, sisimulan na ni Sen. Bong ang taping ng sitcom na gagawin niya sa GMA 7.

Hindi pa kumpirmado kung Tulume ang title, pero gagamitin nila ang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.

vuukle comment

MAJA SALVADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with