Tuyo ni Ogie, nakarating na sa Japan!

Ogie Alcasid

Ang galing ng negosyong gourmet tuyo nina Ogie Alcasid and Regine Velasquez.

Nakarating na sa Japan.

Sunud-sunod nga ang post ni Ogie habang proud na proud na available na ito sa Japan, sa mga major store doon.

“We are proud to announce that @greenfood.ph is now in JAPAN and i am here with my partners upon the invitation of IBCorporation Japan to see their operations!!” na of course ay hindi lang naman siya ito, marami siyang business partners.

Dagdag pa niya, “gourmet tuyo and bangus at the iconic mega donquijotestore here in Iwata City!”

Sosyal, at least maiba naman, local products sa Japan.

Anyway, ang Japan ang favorite destination ng mga Pinoy sa kasalukuyan, kung saan talagang may nagaganap na revenge travel matapos ang matagal na pandemya.

 

Show comments