Tuwang-tuwa ako sa guesting ni Boy Abunda sa Family Feud ni Dingdong Dantes. Nakakatuwa dahil at home na at home sila pareho ni Dingdong at ang ganda ng batuhan nila ng mga biro.
Talagang buong episode ng Family Feud ay tawanan lang at napakagaan ng feeling mo. Kaya hindi kataka-taka na mataas ang rating ng programa dahil very addictive siya.
Pero kahit anong pilit nina Senedy Que at Loi Landicho hindi ako sasali dahil tiyak na tutuksuhin lang ako ng lahat tulad nung natalo sina Salve, Dondon, Ervin at Ian. Kung sure winner why not?
Hah hah, kaya lang baka sabihin nang-scam ako kaya winner, kaya huwag na lang noh.
Watch na lang ako everyday para bongga.
Mga sincere at plastic na artista, nakikita sa one-on-one interview
‘Yung stars na nagpapa-interview lalo sa one-on-one kitang-kita mo ‘yung sincere at ‘yung plastic ang mga sagot? Plus kitang-kita mo rin ‘yung mga nagpapapansin na lahat ginagawa para makakuha ng attention?
Dapat maingat ang stars ‘pag nakaupo sila sa interview na one-on-one dahil tutok na tutok sa kanila ang camera.
At madalas mahuli ‘pag umaarte sila. Pero kung articulate ka at very sincere sa mga sagot, kuha rin ng kamera at napi-feel ng manonouod.
‘Yun ang sarap ‘pag nanood ka ng one-on-one interview, makikita mong mabuti kung anong klase ng tao ang nakasalang sa kamera.
Mapag-aaralan mo kung umaarte o sincere ang sinasabi nito lalo na ‘pag mahusay ang nag-i-interview.
Manood kayo ng Fast Talk ni Boy Abunda. At doon ninyo makikita ang mga sinasabi ko.
Na tulad ni Winwyn Marquez na very articulate nang mag-Fast Talk.
Ganun dapat ang artista, nasasabi niya nang buo ang gusto niyang iparating. May isang naging guest doon ang talagang hindi mo ma-take ang mga sagot. Sobrang papansin na gusto mo tuloy mainis.
Kaya dapat lagi kang handa sa mga ganito at seryoso mong gawin ang pagiging guest mo. Importante ang magiging projection mo sa tao, at mag-stay iyon sa utak nila. Kaya dapat maganda ang makuha mong impression ‘pag pinanood ka nila.
Babu.