Binisita ni Claudine Barretto ang puntod ni Rico Yan noong Easter Sunday at pinost niya ang video ng pagbisita niya.
Hinaplos ni Claudine ang tomb ni Rico sa parte na nakasulat ang pangalan nito at binati ng “Happy Easter.”
Naka-tag sa post niya si Tina Marie Yan na kapatid ng nasirang aktor, posibleng kasama niya ito sa binanggit na “late night visit niya” sa puntod nito.
Sa nabasa naming comment, nilinis pa ni Claudine ang area ng puntod ng ex at pinunasan ang tomb pa na hindi na lang ipinakita sa video.
Na-touch siya sa comment ng isang netizen na “Rico deserves your undying love. I hope someday you find that same love because you deserv that too. Ika nga, you cannot have the same kind of love twice. Kaya magkaroon ka man ng bagong mamahalin someday, doesn’t mean wala na yung kay Rico. I wish you the best! Happiness and peace.”
Ang sagot niya sa comment sa itaas ay “Thank you so much means a lot to me” at marami ang nag-agree.
Marami rin ang naniniwalang si Rico ang greatest love ni Claudine, kaya lang, hindi sila tinadhana na magkatuluyan at pumanaw pa nga ito nang maaga.
Anyway, ginagawa ngayon ni Claudine ang pelikulang Loyalista na biopic ni Imelda Papin at siya ang gumaganap na young Imelda Papin.
May nakita kaming larawan ni Claudine na kamukha niya si Imelda P at pati bangs ng singer, nakopya. Bumilib nga ang fans ni Claudine sa husay ng make-up artist ng movie na napalabas niyang magkamukha ang dalawa.
Carla, mas ‘better’ na!
Siniguro ni Carla Abellana ang pagdating niya sa premiere night ng Voltes V: Legacy dahil ‘yun na ang chance niyang mapanood ito.
Every time raw na nag-iimbita si Direk Mark Reyes sa special viewing kapag may episode na natatapos o nag-i-edit, hindi siya makapunta dahil nasasabay sa trabaho.
“I will be there on April 18 sa SM The Block. I’m sure, magugustuhan ninyo ang theatrical run kahit three weeks lang ang mapapanood dahil sa pilot week pa lang, marami nang pasabog,” paniniguro ni Carla.
Kagagaling ni Carla at ng kanyang pamilya sa Japan for a much needed break at nanghinayang ito na hindi napuntahan ang original location ng Voltes V.
Sa Osaka raw sila pumunta at may itinerary silang sinunod, given the chance, gusto ni Carla na makasama ang buong cast ng #VVLegacy para mabisita ang original location ng Voltes V.
Samantala, pinaaabangan ni Carla ang iba pang happening sa career at buhay niya. Kabilang ang airing ng Stolen Life nila nina Beauty Gonzalez at Gabby Concepcion. Pinaabangan din ang bubuksang business na hindi sinabi, pero nahulaan na ito ‘yung soap business niya.
Kinorek naman ni Carla ang impression na much happier siya ngayon, “Happier? ‘Di ko alam, but definitely, much better. Much better than last year,” sabi nito.
Issa, ayaw tantanan ang panggagaya kay Nadine?!
Inaakusahan si Issa Pressman na ginagaya ang pagiging island girl ni Nadine Lustre dahil sa lumabas na photos nina Issa at James Reid nang magbakasyon sa Palawan. Sa mga larawan niya, makikita itong naka-swimsuit top at nagtapis sa lower part ng kanyang body, bagay na ginawa at nakita na kay Nadine noon.
Kaya ayun, naakusahan si Issa na ginagaya si Nadine, pero hindi raw niya kayang gayahin si Nadine. “Only Nadine can pull off the Filipina island girl vibe,” sabi ng fan ni Nadine.
In fairness, hindi lang naman si Issa ang may getup na ganu’n sa mga nagbe-beach at wala naman siguro itong ginagaya. Iyon ang normal getup kapag nasa beach, kaya chill lang guys.
‘Katuwa lang ang comment na dahil parehong Inglesero, sigurado raw na unlimited ang English nina Issa at James.