^

PSN Showbiz

Sharon shopping galore, pinapasok sa Lax Hermes!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Sharon shopping galore, pinapasok sa Lax Hermes!
Sharon
STAR/ File

With matching pictorial ang shopping galore ni Sharon Cuneta sa Hermes Store sa Los Angeles International Airport.

Nakabalik na nga sa bansa si Ate Shawie pero bago siya sumakay ng eroplano pabalik ng Pilipinas, namili muna siya.

“Finally got my new Hermés belts (my 20+-year-old ones are still too tight! Pero lapit na…!) - plus a few other things at The LAX Hermés store!

“Ang bait nila napabili pa ko tuloy ng iba!”  umpisa ng caption niya.

“I’ve always loved their cashmere throws too so got myself a couple of new ones plus bracelets!

“Thank you to S.A. Miss Ivy for the great service! #hermeslax @hermes  #walanangisyuha!”

Hmm. Magkano kaya ang napamili ni Ate Shawie?

Maalala ngang last year ay nagkaroon ng kontrobersiya ang sana ay pagbili niya ng Hermes belt sa South Korea.

Last July lang nang magbakasyon sila sa South Korea ng kanyang pamilya.

Pero ‘yun nga, ‘di siya pinapasok sa Hermes store sa Seoul, South Korea.

Sinabi niya noon pa na gusto niya talagang bumili ng sinturon.

Kaya ang ginawa niya that time, pumunta si Ate Shawie sa kalapit na Louis Vuitton store na VIP ang naging treatment sa kanya kung saan may pa-champagne and flowers na sobrang ikina-touch nito.

At doon nga siya namili at makikitang ang dami nilang bitbit na LV paper bag paglabas ng store.

Nakabawi siya ngayon, ang daming orange boxes ni Sharon pagbalik ng bansa matapos ang Iconic at bakasyon niya sa Amerika.

Anyway, marami ring nakapansin na mas payat pa ngayon si Sharon. Actually, mas payat pa raw ito sa anak niyang si KC Concepcion.

Sinundo siya sa airport ni former Sen. Kiko Pangilinan na may pa-30 red roses. “Kiko @kiko.pangilinan my hubby gave these beautiful roses with the beautiful note when he picked me up at the airport early this morning…am home in my safe place…my husband’s loving arms.”

SHARON CUNETA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with