Sunshine at mga anak, ‘pinagpala’ ang katawan
Parang mga kapatid na lang nga ni Sunshine Cruz ang tatlo niyang dalagang anak na ang ama ay si Cesar Montano.
Sa kanilang bikini pictorial sa Bali, iisa ang comment ng followers ng actress, lahat sila pinagpala dahil nga sexy lahat ang mga ito.
“Looking forward to more travels with them. Bali again soon” na naka-tag ang mga anak ng aktres.
Maaalalang naging controversial ang biyahe nilang ito sa Bali nang pagbintagan silang nagpa-VIP sa flight.
Nagpost kasi ang isang social media user ng blind item na siya at ang kanyang mga anak na babae ang nagpagulo sa isang airline company.
Ang sabi ng social media user, diumano’y ibinigay ng airline company ang kanilang mga upuan sa business class sa isang “celebrity family.”
Na that time, si Sunshine at ang kanyang mga anak na babae ay andun sa Bali, Indonesia.
Sa kanyang Facebook account, nilinaw ni Sunshine na hindi sila iyon.
“My family and friends have tickets to Bali at nakasakay ka din naman pala girl. Hinayaan mo pang i-bash at guluhin kami ng mga tao sa insidente na wala kaming kaalam-alam at kasalanan. Ngayong lumaki ang issue deleted na ang post mo girl?!”
- Latest