Dalai Lama, nag-sorry sa kontrobersyal na ‘and suck my tongue’!

Dalai Lama

Ang laking isyu ngayon ang kumalat ng video ng spiritual leader, Dalai Lama, na makikita ang isang batang lalaki na lumalapit sa Nobel Peace Prize winner bago nagtanong, “Can I hug you?”

Base sa video na kumalat, inimbitahan ng 87-year old na spiritual leader ang bata sa stage at itinuro ang pisngi nito at sinabing, “dito ka muna,” hinihimok ang bata na yakapin siya at halikan.

Pagkatapos ay itinuro ng Dalai Lama ang kanyang mga labi, at nagsabi: “And suck my tongue,” pagkaraan ng ilang segundo at inilabas ang kanyang dila.

Humingi na ng paumanhin ang Dalai Lama tungkol dito.

Ayon sa  statement ng kampo ng Dalai Lama: “A video clip has been circulating that shows a recent meeting when a young boy asked His Holiness the Dalai Lama if he could give him a hug,” na lumabas sa Twitter account nito na may 19 million followers.

“His Holiness wishes to apologise to the boy and his family, as well as his many friends across the world, for the hurt his words may have caused.”

Bukod dito, sinabi ng post, na madalas na magbiro ang Dalai Lama sa mga taong nakakasalamuha niya sa isang inosente at mapaglarong paraan, kahit sa publiko at sa harap ng mga camera.

“He regrets the incident,” ayon pa sa lumabas na statement.

Show comments