Kawatan baka raw nakabantay... Kiray Celis, binigyan ng P1 million cash ang nanay!

Kiray Celis and her mother

Bongga ni Kiray Celis. Hindi man siya kasing sikat ng ibang artista na visible sa pelikula o mga teleserye, laging pangabog ang bigay niyang datung sa kanyang kapamilya.

Isang milyon lang naman ang pa-haves niya sa kanyang ina. Inabot niya rito in cold cash.

“Isang milyong regalo sa birthday ng aking ina.. kulang pa yan sa pagmamahal, pagaalaga at pagaasikaso mo sakin.. akala ko june ko pa mabibigay sayo. Pero nabuo ko na ng maaga. Worth it lahat ng pagod at paos ko sa lahat ng trabaho ko. Kaya, panuorin niyo ang pagsurpresa ko kay mama sa aking fb account! Tapusin niyo hanggang dulo. Sana maging inspirasyon ako sa mga kagaya kong anak na kapag napagod.. magpahinga lang tapos tuloy ulit! Para maibigay lahat at makatulong sa pamilya natin.?

“Maliit man o malaki, basta galing sa puso ang tulong mo.. naappreciate yan ng mga magulang niyo. Mabuhay lahat ng bread winner na anak sa mundo!”

Parang walang halong yabang kasi si Kiray ‘pag nagpo-post kaya ang daming natutuwa sa kanya at pinupuri ang pagiging generous niya.

‘Yun nga lang, baka pag-isipan silang mag-anak ng masama dahil pinapakita niya talagang hawak ang cash na P1 million.

May punto naman.

Show comments