Pangulong Marcos, tumanda na ang hitsura!

Pangulong Marcos

Ang hirap siguro talaga na maging leader. Lalo na sa ating mga Filipino na masyadong palapansin sa mga nangyayari. Kahit sino pa siguro ang maging Presidente natin hindi pa rin mawawala ‘yung mga kontrabida na walang ginawa kundi mamintas at maghanap ng sira sa ating leader.

Kaya siguro madaling nagmukhang matanda si President Bongbong Marcos dahil sa problema ng bayan natin. Noong una siyang umupo, ang cute at very youthful pa ang hitsura ni PBBM, pero ngayon parang biglang tumanda at kung minsan pati buhok hindi na masusuklay nang maayos.

Dapat siguro sa atin hintayin muna ang resulta bago magbigay ng opinyon. Pabayaan muna nating makita kung tama ang desisyon, bago natin pintasan.

Hindi pa nga nangyayari, binibigyan na agad natin ng resulta. Ibinoto natin siya, inilagay sa posisyon niya, dapat siguro magtiwala muna tayo bago natin sabihing hindi tama.

Pumayag siya sa EDCA. Pinayagan ang Americans na mag-training dito sa bayan natin, ano ang masama? Mabuti nga at dagdag-kabuhayan pa yan sa mga lugar kung saan itatayo ang training centers nila.

Para bang kung ano ang big deal eh dati namang may American bases na dito sa Pilipinas, ang Clark at Sangley Point.

Ewan ko kung bakit kahit sino pa ang maging Presidente natin parang hindi na tayo nakuntento.

Lagi na lang tayong may complains, laging naghahanap ng mali. Bakit hindi natin bigyan ng full trust ang ating leader, para mas tumibay ang loob niya na mag-decide sa ikabubuti nating lahat.

Mahalin natin ang ating bayan. Igalang natin ang lea­ders natin. Uunlad tayo kung magtitiwala tayo.

‘Lifetime’

Siguro dahil apat na oras ako dito sa dialysis ko kaya itong kolum ang libangan ko. Nalimutan kong magdala ng babasahin at iPad para sana may pinapanood akong Koreanovela habang apat na oras na dialysis.

Talagang tinanong ko nurse kung hanggang kelan at natawa na lang ako nang sabihing lifetime na ang dialysis ko.

Bongga! Talagang magiging suki ako ng FEU Hospital for life imagine mo. Ang sarap nga ng people watching dahil marami kang nakikilala at nakakausap.

Nakakatuwa nga dahil nakikita mo na kahit may mga sakit talagang ang gaan nilang tanggapin ang kanilang sitwasyon. Tanggap nila kung anuman ang nangyayari. Hay, kundi lang talagang pasaway ako dapat ganun din sana ang feeling ko.

Show comments