Eat Bulaga, hanggang 2024 magiging Kapuso!

Eat Bulaga Host

Until next year pa ang contract ng Eat Bulaga sa GMA ayon sa isang source.

Unless i-terminate ng GMA 7.

Pero reliable ang narinig kong nagkuwento na until next year pa, December 31, 2024, ang contract ng Eat Bulaga sa GMA 7 na ang nakapirma sa contract ay si Mr. Tony Tuviera.

Kaya parang imposible naman daw na bigla-biglang pupunta ito sa TV5.

Mismong ang executive raw ng Eat Bulaga ang nag-confirm nito na hindi aalis ang Eat Bulaga sa GMA.

Ang isang sure, 12 p.m. na ang airing ng It’s Showtime at babu na sa ere ang Lunch Out Loud na dating back-to-back sa TV5.

Show comments