Dolly de Leon, chair ng jury sa Gabi ng Parangal
Ngayong gabi na gaganapin ang 1st Summer MMFF Gabi ng Parangal sa New Frontier Theater.
Magsisilbing Jury Chair ang award winning actress na si Dolly de Leon kaya siguro naman walang mga kontrobersya pagkatapos ng Gabi ng Parangal.
Kanya-kanya ang interpretation ng mga manonood ngayon at baka ‘yung magaling sa kanila ay hindi kay Ms. Dolly na madalas ngayong mag-trending sa Twitter.
Kaya abangan natin kung sino ang mga magwawagi.
Sana rin ay makatulong ang magiging resulta nito para pilahan ang mga pelikula.
Hindi pa raw gaanong malaki ang kita ng walong pelikulang kasali sa ginaganap na Summer Metro Manila Film Festival kumpara sa kita ng traditional MMFF tuwing Christmas.
- Latest