^

PSN Showbiz

Nickelodeon star Eduard Bañez, nagpapatulong sa FBI para sa hackers ng kanyang dating app

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Nickelodeon star Eduard Bañez, nagpapatulong sa FBI para sa hackers ng kanyang dating app
Eduard Bañez
STAR/ File

Dumulog sa FBI (Federal Bureau of Investigation) sa US ang former Star Magic talent at Nickelodeon star na si Eduard Bañez para ireklamo ang isang internet hacker.

Si Eduard ay isa ring founder at promoter ng isang ‘dating’ application sa Google. Marunong din siyang gumawa ng ganitong klaseng app.

Dahil sa ginawa niyang dating app na ito ay napasama siya sa Guinness World of Records as the “most viewed profile in dating apps” mula 2006 hanggang ngayon.

Ayon kay Eduard na napanood din sa US show na The Loop, nadiskubre niya ang pagnanakaw na ginawa sa kanya nang i-check ang kanyang ginawang dating application na aniya ay mayroon nang 5 million downloads.

Ninakaw raw lahat ang mga materyales na kanyang ginamit sa paggawa ng naturang dating app.

Sa kanyang Facebook post, binalaan ni Eduard ang mga hacker na tigilan ang pagnanakaw ng kanyang code at mga detalye ng kanyang personal apps.

“Stop stealing my specs and my codes on my personal apps. I just realized those unknown geekies are multi-millionaire already. You cannot force the approval of the specs for the coding and programming to create an application in application store. They will approve it based on my audience. And those selling this specs is also stolen from my application audience. It’s against the law.”

Aniya, karamihan daw ay mga LGBT member ang hina-hack / biktima ng mga hacker.

“Naghihirap tayong mag-work, tapos isang hack lang ng kumpanya, million million na ang transaction nila. Ang mga LGBT community ang ginagamit nila para makakuha ng stocks,” reklamo pa ng dating Star Magic talent.

Sa ngayon, nagparehistro siya sa FBI sa downtown Los Angeles kasama ang kanyang kaibigan.

Ongoing pa ang imbestigasyon sa kanyang reklamo ayon mismo kay Eduard.

Kasalukukuyang nakabase si Eduard sa US kasama ang kanyang pamilya.

Kabilang siya noon sa Star Magic batch 15 at ka-batch sina Megan Young, Jessy Mendiola and Bela Padilla.

Samantala, inamin ni Eduard na nami-miss niya ang showbiz.

Matatandaan na nanirahan siya at ang kanyang pamilya pagkatapos lumipat ang kanyang pamilya sa US noong 2015.

“I set in motion proper right here throughout the US as a result of fairly a number of alternate options I can have for a higher future. The edge proper right here is that the whole thing is completed on an equal foundation. But Manila stays to be my home,” ayon kay Eduard sa nauna niyang interview.

Siya ay pumasok din sa newscasting at nagtrabaho sa Net25 at co-anchored ng isang tele-radio show kasama ang singer-comedian na si Arnell Ignacio sa Radyo Singko 92.3 News FM.

Natapos ni Eduard ang kanyang kursong nursing sa New Era University noon.

FBI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with