Sa mga nakalipas na taon ay nahasa na ang pagiging host ni Edward Barber. May mga nagsasabing ang binata na ang susunod sa mga yapak ni Robi Domingo bilang isang host. “A lot of people think na sa industriyang ito is really like that. But what matters most is ‘yung personal relationship. Si kuya Rob kapag may ASAP Natin ‘To taping, we just hang around in the dressing room. We talk about life. And for me, kuya Rob is not just a host, he is my friend. He talks to me more about life and talks to me about getting married one day, about to handle finances. It’s not just about ‘Oy! Host ka.’ But it’s life, I’d rather do life with him than to be a host next to him,” makahulugang pahayag ni Edward.
Matagal-tagal nang hindi nagkakatrabaho ang aktor at si Maymay Entrata kaya hinihiling ng mga tagahanga ang muling pagtatambal ng dalawa.
Ayon naman kay Edward ay imposible itong mangyari sa ngayon. “She’s in performing arts right now, which is not my natural gift. I guess you could say I do enjoy dancing here and there. ‘Yon talaga ang gift niya and I would say that’s what her thing is. So tingnan natin,” giit niya.
Masaya umano si Edward sa mga ginagawa ni Maymay ngayon. Nabuwag man ang kanilang tambalan ay hindi naman naputol ang komunikasyon sa pagitan ng MayWard. “I’m so happy and proud of whatever things she does. I’m happy for where she is right now with the people around her and it’s just good to see that she’s doing well. So, I think she says the same with me. We’re celebrating each other wherever we are,” pagtatapos ng aktor.
Jennica, atat mag-audition sa K-drama
Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gustong maging bahagi ni Jennica Garcia ng local adaptation ng isang Korean series. Nakahanda raw na mag-audition ang aktres para sa pinapangarap niyang proyekto. “Ipagsasabi ko na para kapag may audition ay makapag-audition po ako. Dati nahihiya po akong sabihin pero okay na sabihin ko na ito. I really want to star in a Korean adaptation series,” bungad ni Jennica.
Matatandaang pitong taong nagpahinga mula sa pagtatrabaho ang aktres mula nang magpakasal at magkaroong ng dalawang anak kay Alwyn Uytingco. Hiwalay man sa aktor ay masayang-masaya naman si Jennica ngayon dahil sa mga papuring natatanggap sa mahusay niyang pagganap sa Dirty Linen. “Seven years din po akong tumigil. Pagbalik ko po nakagawa ako ng isang proyekto. Tapos wala na pong sumunod and it was almost six months of no work. Nakakagulat din po talaga. Ako rin mismo sobra akong natutuwa kung paano siya in-accept ng mga tao. Sulit po talaga ang pagod,” paglalahad niya.
Sumagi na sa isipan ni Jennica noon na mangibang-bansa na lamang upang masuportahan ang pangangailangan ng mga anak. “Iniisip ko na rin po na okay lang ‘pag ‘di ako mabigyan mag-o-OFW na lang po ako. Ito na lang ang alam ko na trabaho eh, ang pag-aartista. Ang isa ko na lang pong naiisip ay mag-ibang bansa,” pagtatapat ng aktres.
(Reports from JCC)