Ngayong Linggo ng Pagkabuhay (April 9), sasamahan nina Benjamin Alves at Herlene Budol, at ng mga sikat ngayong food vloggers si Jessica Soho na tuntunin at tikman ang mga viral ngayong pagkain at kainan sa kasuluk-sulukan ng Pilipinas sa Titikman: Kapuso Mo, Jessica Soho Special.
Makikisalo si Jessica sa mga tradisyunal na kakanin ng Pangasinan na literal na hirap bago sarap dahil matrabaho ang paggawa nito.
Papasukin naman ng food vlogger na nasa likod ng The Chui Show ang mga hole-in-the-wall o mga tago pero pinagkakaguluhang kainan sa Metro Manila.
Sakto ngayong summer, lilibot sa mga kalye si Benjamin para tikman ang iba’t ibang bersyon ng classic na pampalamig ng mga Pinoy – ang halo-halo.
Magiging tour guide naman si Herlene sa kanyang bayan sa Rizal para ipakita ang iba’t ibang putaheng niluluto nila tuwing Kuwaresma.
Ibibida naman ang heirloom recipes sa Cebu ng mga nasa likod ng Youtube Channel na Canlas TV, ang nagpasikat sa dinarayong porcupine soup dito.
Ipapakilala din ng KMJS ang mayamang kasaysayan ng mga pagkain ng mga Tausug sa Mindanao at kung paanong naimpluwensiyahan ito ng mga karatig bansa sa Asya.
Kaya tiyak na nakakagutom ito.