Erich, masaya kahit ‘di na aktibo sa Showbiz

Erich
STAR/ File

Hindi man aktibo ngayon sa paggawa ng pelikula at teleserye ay masaya pa rin si Erich Gonzales sa pangangalaga ng Star Magic.

Matatandaang nagsimula siya bilang Grand Questor ng Star Circle Quest noong 2005. “Star Magic has guided me in this industry for so many years and when you say ‘Tatak Star Magic’ parang nahahasa ka sa lahat ng bagay. Para sa akin, it’s just really gratitude kasi just being grateful for the support. Kasi dito ako nagsimula. For almost two decades I’m still here and I appreciate everything. Kumbaga sa hirap at ginhawa, magkasama, fighting,” makahulugang pahayag ni Erich.

Malaki ang pasasalamat ng dalaga sa pamunuan ng ABS-CBN dahil sa mga proyektong kanyang nagawa sa mga nakalipas na taon. “Para sa akin, kung ano man ang meron ako ngayon, dahil po ‘yon sa opportunities na ibinigay sa akin. Thankful ako sa magagandang projects at teleseryes na nagawa ko bilang Kapamilya,” giit niya.

Maraming mga bagay ang natutunan ni Erich mula nang pasukin ang mundo ng show business.

Palaging binibigyan ng importansya ng aktres ang mga makabubuti sa trabahong kanyang ginagawa. “For me, importante as an artist ‘yung passion, discipline, humility, patience. Ang pinaka-number one na importante is be professional. Always be on time. Don’t make your co-stars wait. You respect and value other people’s time. So importante talaga ‘yon,” paglalahad ng aktres.

RK, na-pressure kay Rey!

Simula ngayong Sabado ay mapapanood na sa mga sinehan ang pelikulang Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko na pinagbibidahan ni RK Bagatsing. Aminado ang aktor na noong una ay talagang natakot siya na tanggapin ang naturang Metro Manila Summer Film Festival entry. Si RK ang gumanap bilang si Rey Valera sa bagong pelikula. “Ito ‘yung isang project na natatakot akong gawin. No’ng in-offer sa akin sabi ko, ‘Kaya ko ba itong gawin?’ Ang initial answer ko sa sarili ay ‘no’ kaya tinanggap ko. Kasi sabi ko moving forward tatanggapin ko ‘yung mga projects na hindi ako sure kung kaya ko pero ‘yon ‘yung way for me to challenge myself. In the end, siyempre I will become a better actor,” paliwanag ni RK.

Nakaramdam ng matinding pressure ang aktor dahil malaking responsibilidad ang pagganap bilang isang sikat na OPM icon. “Kasi totoong personalidad ‘yung pino-portray mo. Kaya I made sure to do a lot of research at hindi ko hinayaan na hindi ko ibibigay ang 100% ko every time na tatapak ako sa set. Nandoon ‘yung pressure pero siyem­pre itinutuloy ko pa rin. Natuwa ako at nawala ang kaba ko no’ng nakita ko si Sir Rey na nagustuhan ‘yung pelikula,” kwento ng binata.

Kahit kinabahan nang sobra ay na-enjoy naman umano ni RK ang shooting ng pelikula. “Para lang akong naglalaro sa totoo lang dahil kumbaga in-on ko lang ‘yung radio at nakikinig ako ng mga musika ni Rey. Ini-enjoy ko lang ang bawat araw na nandoon ako sa set,” pagtatapos ng aktor.

(Reports from JCC)

Show comments