Talagang hindi ko mapigilang hindi ito isulat ngayon.
Ewan ko kung nakakarating kay Usec. Honey Rose Mercado ang pagiging loyalista ko sa mga Marcos.
Kahit noon, naging honest ako kay Kris Aquino na love ko ang mga Marcos dahil naging very approachable at close sila sa showbiz.
From then on, ewan ko pero kahit sa panahong napakaraming anti-Marcos, hindi nabago ang loob ko sa kanila.
Pero never akong humingi ng favor, tulad din ng hindi ko paghingi sa mga alaga ko na nasa pulitika.
Wala akong inilapit kina Bong Revilla, Alfred Vargas, Lani Mercado. Or even sa mga pulitiko na hinawakan ko as press facilitator. Kasi nga showbiz naman talaga ang mundo ko, kaya hindi ko rin master ang ikot sa mundo ng pulitika.
Ganun lang, happy ako ‘pag nababati ng mga kilalang pulitiko. Kilig ako ‘pag tinawag na Manang Lolit ni Madam Imee Marcos.
Shocked ako na natatandaan ni President Bongbong Marcos ang name at ngumingiti si First Lady Liza Marcos ‘pag nakikita ako.
Ano ang point bakit ko sinasabi ito? Dahil gusto kong maiyak na dalawang beses na akong pinadalhan ng financial help ng Office ni Usec. Honey Rose Mercado dahil nabalitaan nilang PBBM at FL Liza Marcos na meron akong sakit.
Hindi ako naniniwala na dahil si Lolit Solis ako kaya binibigyan nila ng financial help. Mas marami siguro sa mga kakilala nila ang mas kapaki-pakinabang kesa sa puwede kong ibigay.
Ang punto ko, iba ang pag-appreciate nila sa mga tao na alam nila na mahal sila. Siguro nga ipinadadama rin nila sa akin na dahil mahal ko sila, mahal din nila ako.
Kaya ko sinulat ito dahil gusto kong malaman ng lahat kung bakit mahal ko ang mga Marcos.
So please, no bashing, respeto lang, iyon lang dahil kung meron kayong mahal na iba, tanggap ko rin.
Walang problema. Kanya-kanya tayong choice.
Kanya-kanya tayong buhay. Ok. Period. Babu.