First time na sumali si Abby Viduya sa isang Senakulo, kaya talagang kinarir niya ito at wala siyang reklamo kahit nahihirapan siya sa halos araw-araw na rehearsal.
Naimbitahan ang aktres na maging bahagi ito sa taunang palabas sa Parañaque tuwing Semana Santa.
Mapapanood ito sa may Brgy. Tambo, Parañaque sa darating na Biyernes Santo mula alas-nuwebe ng umaga hanggang alas-tres ng hapon.
Si Abby ang gaganap na Virgin Mary. Nung sinabihan daw siya ng organizer na siya ang gaganap na si Mary, akala raw niya si Mary Magdalene.
Meron daw siyang mahabang monologue sa La Pieta na part, at kaya naman daw niyang magmemorya ng mahahabang dialogues pero mga malalalim na Tagalog daw kaya talagang pinag-aralan niya. Kailangan pa raw niyang i-Google ang ibig sabihin ng ilang malalalim na tagalog. “I’m doing this to experience it. And ano siya e… parang panata nila. I wanted to try it,” pakli ni Abby.
Masyado niyang dinidibdib tuwing nagri-rehearse siya. “Mahirap talaga. I-rehearse everyday. Ano talaga siya… it’s one thing that I’ve done in my life na masasabi ko na ang sarap ng feeling e.
“Hopefully naman, mabigyan ko ng justice ang role ko as Mama Mary and I know na medyo taas ang kilay kasi I’m playing Mama Mary. But, you know as an actor, that’s something I want to give. Parang gusto ko siyang gawin every year,” pahayag ni Abby nang nakatsikahan namin siya sa DZRH nung nakaraang Lunes.
Excited din ang aktres kapag napapag-usapan ang tungkol sa wedding plans nila ni Jomari Yllana.
Within the year daw ang civil wedding muna nila sa Las Vegas, Nevada at baka next year o 2025 na raw ang church wedding nila na gaganapin sa Naga.
Pero nang napag-usapan namin ang tungkol sa balak nilang magka-baby ni Jomari, nagulat kami sa ibinalita sa amin ng aktres na nakunan pala siya last year. “Actually, last year I got pregnant but I lost the baby. That’s during the time of campaign period,” pakli ni Abby.
“I was two months pregnant. Siyempre, busy kami. I didn’t know I was pregnant. Siyempre at this age, you have to be careful.
“Pinag-rest ako ng 10 days, but wala e. We still lost it. Kasi ang dugo ng schedule nun. It was too much,” dagdag niyang pahayag.
Natanggap naman daw niya agad dahil naniniwala siyang in God’s time, ibibigay raw ito sa kanya.
“I believe in God’s time. You know, if God give us a child, yeah! Of course, we’re ready. But, right now hindi naman ‘yun ‘yung priority namin kasi ano naman kami, we have kids of our own and I’m already 46 years old.
“Although, we can still have kids. Puwede pa.
“From my last checkup, okay pa talaga.
“We are happy na ano lang… we have our kids…tatlo ‘yung kids ko, tatlo rin yung kids niya. Importante naman is we’re happy together and we get to see our kids, that’s the most important thing,” sabi pa ni Abby Viduya.
Sen. Bong, bisayang aktres ang bagong leading lady
Sobrang nabagabag si Sen. Bong Revilla sa magulang nung estudyanteng taga-La Salle na pinagsasaksak sa Dasmariñas, Cavite.
Taga-Laguna pala ‘yun at OFW ang nanay nung bata, at wala raw itong ginawa kundi umiyak nang umiyak nang makaharap si Sen. Bong.
Kaya sinadya ng actor/politician ang burol nito dahil nangyari ang krimen sa Cavite, at kinokondena niya ang ganitong karahasan sa kanyang bayan.
Ramdam daw niya ang matinding pagdadalamhati ng pamilya ng biktima dahil graduating na pala ito.
Kaya napapag-isipan na nga raw niyang tama lang na magkaroon ng death penalty kapag ganitong heinous crime ang ginagawa.
Pansamantalang break muna ngayon sa Senado si Sen. Bong at pati na rin si Cong. Lani Mercado. Kaya bakasyon muna sila ngayong Semana Santa.
Finally, matutuloy na rin ang naudlot nilang bakasyon sa Palawan na ipina-book na pala nila nung pre-pandemic.
Pumasok lang ang COVID-19, kaya hindi natuloy ang bakasyon kapag Semana Santa.
Pagkatapos ng ilang araw na bakasyon, aayusin na ang schedule ng taping ni Sen. Bong sa bagong comedy action series na gagawin niya sa GMA 7.
Ito na ngang TV remake ng comedy film na ginawa nila noon ni Cong. Lani na Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.
Pero pinag-iisipan na raw nilang parang mas magandang gawing Tulume at gagawing subtitle ang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.
Si Tulume ang pangalan ni Sen. Bong sa sitcom na ito.
Hintayin na lang daw ang announcement ng GMA 7 kung sino ang magiging leading lady niya sa sitcom na ito. Basta magaling na Bisayang aktres daw ang makaka-partner niya rito.