^

PSN Showbiz

Angeline, walang planong kalasan ang Kapamilya!

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Angeline, walang planong kalasan ang Kapamilya!
Angeline Quinto

Bago mawalan ng prangkisa ang ABS-CBN noong 2020 ay nakatanggap si Angeline Quinto ng mga alok na gumawa ng proyekto sa ibang TV network.

Ayon sa singer ay buhay pa raw noon ang kinilalang ina na si Mama Bob nang matanggap ang alok. “Many times, then no’ng nalaman ko ‘yon, inisip ko agad kasi siyempre, naririnig-rinig ko na mawawalan ng franchise dati. Una kong tinanong si Mama Bob. Sabi ko, ‘Ma, kung sakaling mabigyan ako ng ibang offer sa ibang network, papayagan mo ba ako?’ Ayaw niya, ayaw ng mama ko. Tapos do’n ko rin naisip talaga na sabi ko malaki talaga ang utang na loob ko sa ABS-CBN. Kasi dahil sa kanila, right after po na naging winner ako ng Star Power no’ng 2022, do’n naman talaga nagsimula ‘yon.

“Nabigyan din ako ng pagkakataon na makapunta ng abroad dahil sa ASAP din. Do’n po nag-start ‘yon eh, makapag-Amerika, makapag-ibang bansa. So from doon, nagawa ko rin madala ang mama. Mai-travel siya sa iba’t ibang lugar dahil sa pagkanta ko. ‘Yon ‘yung naisip ko kaya sabi ko, baka hindi ko muna tanggapin,” pagdedetalye ni Angeline.

Sa April 27 ay mag-iisang taong gulang na ang anak ng singer na si Sylvio.

Hinding-hindi raw makalilimutan ni Angeline nang personal na masaksihan ang pagsasalita ng anak. “Ang unang-unang na-witness ko po talaga ‘yung nagsalita siya ‘mama’ at nandoon ako. Parang hindi ko alam ‘yung magiging pakiramdam. Naiiyak ako sa tuwa. Nang narinig ko, gusto ko siya paulit. ‘Ano ‘yon Sylvio?’ Mama, mama? Tapos sabi niya, ‘Ay! Naku! Mas magiging malapit sa ‘yo ‘yan kasi unang tinawag ka,” nakangiting kwento ng singer.

Maraming mga bagay na rin ang natutunan ni Angeline mula nang maging isang ganap na ina. “Hindi po pala talaga madali ang maging nanay. Saka ‘yung pagiging nanay, parang hindi siya kailangan paghandaan pa kasi no’ng pinanganak ko si Sylvio, takot na takot akong hawakan siya kasi ang liit-liit. Tapos sabi sa akin ng isang nurse na nagbantay sa akin sa ospital, ‘Ma’am, hindi kita tuturuan. Subukan mo lang.’ Tapos do’n, pagbuhat ko sa kanya, marunong pala ako. ‘Yung mga gano’ng bagay na ang pagiging nanay pala talaga, automatic ‘yan. ‘Pag nakita mo ‘yung bata, magagawa mo lahat,” paglalahad niya.

Jennica, inspirasyon si Pia Wurtzbach

Gabi-gabing napapanood si Jennica Garcia sa teleseryeng Dirty Linen na pinagbibidahan ni Janine Gutierrez at Zanjoe Marudo.

Kapansin-pansin ang galing sa pag-arte ni Jennica na ginagampanan ang karakter ni Lala.

Ayon sa anak ni Jean Garcia ay mayroon siyang naging inspirasyon upang mas mapaghusayan ang pag-arte sa naturang serye. “Ibang klaseng drive and confidence niya na she is beautiful ang that she is sexy. Sa totoo po kapag sinusuot ko si Lala, nakakahiya kay Ms. Pia Wurtzbach, pero iniisip ko po talaga. Kahit hindi ko siya kamukha, kahit magkaiba kami ng level ng ganda, iniisip ko kapag action na kapag si Lala na, mayroon akong confidence ni Pia Wurtzbach. Mayroon akong alindog ni Pia Wurtzbach, mayroon akong katawan ni Pia Wurtzbach, kahit wala. Parang naiisip ko na lang po siya para maitawid ang eksena,” pagtatapat ni Jennica.

Magandang pagkakataon para sa aktres na magampanan ang naturang karakter sa kanyang pagbabalik-trabaho. Matatandaang ilang taon nagpahinga sa mula sa pag-arte si Jennica mula nang magkaroon ng dalawang anak. “’Yung role ko po kasi na Lala parang feeling ko po ay very fit siya for someone who wants to make a comeback in the industry. Because of Lala’s many disguises, I feel that I was able to show I hope that I am able to do different kinds of roles dahil nga iba-iba ang disguise niya,” paliwanag ng aktres. (Reports from JCC)

ANGELINE QUINTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with