Pokwang, ipinagpalit sa waitress ng ex!

Ah sa waitress pala ipinagpalit ng ex niyang si Lee O’Brian si Pokwang.
May tweet kahapon ang comedian / host na kasalukuyang nasa United States para sa series of shows nila ni K Brosas.
“susme e ano naman kung may naka kandong na waitress sa kanya dyan sa isang mexican bar sa bgc? hayaan nyo sya masaya sya dahil sa wakas natagpuan na nya pangarap nyang babae at deserve nya yan yeheeeyy congratulations po ang saya saya…. #diakobitterha #happy4U,” ang buong tweet ni Pokwang.
Nauna na siyang nag-post ng “Thank you atty. @ralph_calinisan #tuloylanglabanparasakinabukasan. Hindi ako susuko para sayo anak @malia_obrian kung naitaguyod ko si ate ng mag isa mas lalo ako magsisipag at magiging matapang para sayo at sa inyo ng ate mo #letsdothis.”
Si Atty. Calinisan ang boyfriend ni Dawn Chang.
Ang sakit nga siguro sa ego ni Pokwang ang ginawa ng kanyang ex kaya kahit nasa Amerika siya pinagkakaabalahan niya ang ex.
May five-year-old daughter sila.
- Latest