^

PSN Showbiz

Instant Fast Talk ni Boy kay Vanessa, hindi nagustuhan ni Direk Paul?!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Instant Fast Talk ni Boy kay Vanessa, hindi nagustuhan ni Direk Paul?!
Vanessa at Boy
STAR/ File

Pinag-uusapan pa rin kahapon ang gulong nangyari sa presscon ng Fil-Am Hollywood singer/actress na si Vanessa Hudgens na ginanap sa Manila House sa BGC, Taguig.

Pagkatapos ng one-on-one interview ni Kuya Boy Abunda kay Vanessa, at may question and answer portion, isasalang na sana ang Fil-Am actresss sa one-on-one interview ng iba’t-ibang programa at network, pero doon na raw nagalit si direk Paul Soriano, dahil ayon sa ilang napagtanungan namin, hindi raw siya aware na may one-one-one interview.

Ang napansin lang namin doon, tila hindi mapakali si direk Paul habang nakasalang sina Kuya Boy at Vanessa.

Ang nakarating sa aming kuwento, hindi raw nagustuhan ni direk Paul ang ilang pagtatanong ni Kuya Boy dahil tila hindi nasunod ang script.

Pero maayos ang interview, at natapos ito ng masayang instant Fast Talk na ginagawa ni Kuya Boy sa naturang presscon.

Hindi na nasaksihan ni Kuya Boy ang commotion doon sa venue na kung saan ipinatigil na raw ni direk Paul ang one-on-one interview.

Masuwerteng nakapag-interview pa ang All-Out Sundays, ang TV5 at si Kuya Mario Dumaual na pinagbigyan daw ng limang minutong interview.

Maagang dumating doon si Christine Jacob-Sandejas para sa CNN Philippines pero nakiusap daw siyang bigyan ng ilang minutong interview, hindi na raw pinaunlakan, pati raw si Joee Guilas ng PTV 4, ang PEP.Ph at ibang magazines.

As of presstime, hindi pa ako nasagot ni Kuya Boy sa text ko kung aware ba siya sa mga nangyari pagkaalis niya.

May ilang kaibigan kaming sinubukang kontakin ang kampo ni direk Paul para makuha naman ang kanyang panig, pero wala pa kaming nakuhang sagot.

Si direk Paul ang in-appoint ni Pres. Bongbong Marcos na Presidental Adviser on Creative Communications, at siya ang nagdirek ng mga documentary na ginawa ni Vanessa Hudgens na bahagi ng role niya bilang Global Tourism Ambassador for the Philippines.

Enchong, ayaw tularan ang kanyang kuya

Isa pala sa ikinae-excite ni Enchong Dee ngayong Summer Metro Manila Film Festival ay nandito ngayon nagbabakasyon ang kuya AJ Dee niya at ang dalawang anak nito.

Kuwento ni Enchong nang nakatsikahan namin sa DZRH nung nakaraang Biyernes, “Masaya ako kasi makakabalik ngayong summer. So, balak namin mag-beach ‘yung mga ganun. Kaya nag-iipon ako para may pang-beach kaming pamilya.”

Excited daw siya dahil mapapanood ng Kuya niya at mga pamangkin ang pelikula niyang Here Comes The Groom.

Ang ganda na ng buhay ni AJ sa Norway dahil successful ang business niya roon, at natutuwa si Enchong para sa kanyang kuya.

Pero kung si Enchong ang masusunod, gusto pa rin niya dito sa Pilipinas. Hindi raw niya naiisip na mag-retire sa ibang bansa, o doon magtrabaho.

Mas mahal pa rin daw niya ang bansang Pilipinas.

“Kaya masayang-masaya ako na kahit papano maayos ‘yung trabaho natin, maayos ‘yung takbo ng karera natin para mag-stay ako talaga dito sa Pilipinas,” saad ng Kapamilya actor.

Nakapag-invest naman pala si Enchong ng ilang negosyo dito, kagaya ng tatlong branch ng Peri-Peri na restaurant. “Alam n’yo naman ang pamilya ko po na hindi naman kami sobrang yaman o magarbo, pero kumportable.

“Basta sama-sama, and natutuwa nga ako kasi kahit ano man ‘yung occasion, basta ang importante salu-salo kami, okay na po ‘yun, relax lang po. Basta walang may nagkakasakit masaya na po kami,” sabi pa ni Enchong Dee.

FIL-AM HOLLYWOOD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with