^

PSN Showbiz

Kylie ramdam na inalagaan siya ni Gerald, super fan ng movie nila Kim

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Kylie ramdam na inalagaan siya ni Gerald, super fan ng movie nila Kim
Gerald at Kylie
STAR/ File

Aktibo ngayon ang entertainment industry.

Ito ay dahil sa papalapit na Summer Metro Manila Film Festival na mag-uumpisa sa April 8, Black Saturday.

Dalawang pelikula ang napanood namin noong Martes, ang Unravel, A Swiss Side Story and Here Come’s the Groom (next time ang chika about this movie).

Starring sa Unravel ang Kapamilya actor na si Gerald Anderson ang Kapuso actress Kylie Padilla.

Kapwa nila first time nagkatrabaho.

Kumusta naman ang experience working with each other?

“I’ve seen Gerald’s past movies and shows with Kim Chiu and I’m a fan,” sabay-tawa ni Kylie.

“So it’s really an honor for me to get to work with someone I admire,” dagdag ng actress na talagang kakaiba ang ginampanang role.

At all praises siya sa actor. “It’s exciting to work with someone for the first time. But at first, I thought baka he has a big ego, mayabang, but I quickly appreciated his humility. He is a real gentleman who is just very quiet on the set, but I can feel he’s taking care of me.”

Sabi naman ni Gerald, “I first met Kylie when we had a look test with our director, RC de los Reyes. Mabilis ang proseso ng movie. Our next meeting was in Switzerland na, where we shot the movie on location. And I’m glad na sobrang gaan katrabaho si Kylie.

“She’s so professional and it’s refreshing to work with someone from another network. During our break, kapag kakain na, magkakasama ka­ming lahat with the crew.

“But more than anything else, nakakabilib talaga siya kasi the scenes we did were a bit intense and scary, but she is so dedicated to her craft and she nailed it.”

Ang sinasabi niyang intense and scary scenes ay ang sky diving at iba pa na mahusay ang execution ni Direk RC delos Reyes.

At malaking bagay na one of the boys ang attitude ni Kylie habang nagso-shooting sa Switzerland ayon pa sa actor.

“Si Kylie, you can say she is one of the boys. Masarap siyang kakuwentuhan during shooting breaks.”

Handog ng Mavx Productions sa kauna-unahang Summer Metro Manila Film Festival (SMMFF) ang pelikulang tumatalakay sa napapanahong isyu ng mental health.

Ang Unravel ay naka-focus sa controversial topic na voluntary assisted death (VAD) sa ibang bansa, partikular na ang Switzerland.

Ang VAD ay isang legal na practice sa ilang mga bansa kung saan ay pinapayagan ang isang tao na tapusin ang kanyang buhay basta’t pasado ito sa mga qualification.

Kwento ni Lucy (Kylie), isang Filipina executive na humaharap sa clinical depression. Sa kabila ng kanyang tagumpay sa napiling larangan, nag-desisyon siya na lumipad patungo sa Switzerland para kumuha ng serbisyo ng boluntaryong pagpapakamatay.

Ngunit nagbago ang kanyang mga plano nang makilala ni Lucy si Noah (Gerald), isang kapwa niya Pinoy na ang buong akala niya ay hihikayatin ang mga tao na piliing mabuhay.

Sa kanilang paglalakbay ay masasaksihan hindi lamang ang ganda ng Switzerland kundi ang tunay na ganda ng buhay at pagmamahal.

Actually sobrang ganda ng Switzerland.

Pero nilinaw ni Kylie na hindi nila niro-romanticize ang suicide sa pelikulang ito. “It’s a very sensitive topic, but when I read the script, very character-driven ito and centers on hope and positivity, so that is why I accepted this project.

“I really felt for my character, Lucy, through whose eyes we are watching the film. I think a lot of people can relate with her personal journey.

“When you watch the movie, you’ll understand her better. Kasi ako after I read the whole script, it helped me out in a way that I didn’t think it would,” aniya na napaka-normal ng pagkakaganap sa character ni Lucy, hindi over the top at OA kaya pagkatapos naming panoorin ang pelikula, marami na agad ang nag-congratulate kay Kylie dahil baka ito na talaga ang magbibigay sa kanya ng best actress award. “Our movie’s subject is quite mabigat kasi suicide, but everytime heavy ang mga eksena, I’d just look out and see the mountains and they can be so relaxing,” pag-aalala nito.

“Everyone should get to visit Switzerland even once in their life time kasi nakaka-boost siya ng energy. Very inspiring, so it’s really worth it.”

Nauna nang inamin ng aktres na nakaranas nga siya ng mental health problem at na-diagnose siya before ng postpartum depression and anxiety nang ipanganak niya ang bunso nila ni Aljur Abrenica na si Axl. “So, I understand so much ‘yung pinagdadaanan nila. But also, ang natutunan ko do’n is whenever you feel like you’re in a place na medyo dark, du’n ka dapat mag-speak up lalo. Humingi ka ng tulong. It’s not wrong to ask for help. Kasi du’n ‘yung chance to connect more, eh, with the people you love.”

Ayon naman kay Gerald: “I think it tells us to be kinder to other people. Just be nice because you don’t know what they’re going through. Hindi mo alam kung kamusta ‘yung araw niya, ano pinagdaraanan niya.

“And being nice and kind is not an expensive thing to do. It’s something that we all can do in showing our respect for each other,” na ayaw talagang sumagot kahit anong tanong tungkol sa kanila ni Julia Barretto.

“Napakaganda talaga ng Switzerland and its people are very friendly. “We were able to skydive on top of the Swiss Alps and do canyon swing sa bundok, which is one of the most awesome things I’ve ever seen in my life. We even went swimming sa lake,” pagtatapos ng actor.

SUMMER METRO MANILA FILM FESTIVAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with