Coco shocking ang summer, second choice ni direk Brillante sa apagA

Coco, Jaclyn, Gladys at Brillante
STAR/ File

Shocking ang ending ng pelikulang Apag ni Direk Brillante Mendoza starring Coco Martin.

Kakaiba sa mga ginagawa ni Coco.

Ang Apag ay isa sa official entries sa gaganaping Summer Metro Manila Film Festival starting April 8, Black Saturday, na ipalalabas sa mga sinehan.

At ang isa pang rebelasyon, hindi si Coco ang original choice for the movie kundi si Aljur Abrenica.

Parehong true blooded Kapampangan sina Coco at Aljur.

Malaking bahagi ng pelikula na Kapampa­ngan dialect at doon din sila nag-shooting.

Umiikot ang kuwento ng pelikula sa masasarap na pagkain ng Pampanga at paghihiganti sa isang aksidente na kagagawan ni Coco pero inako ng amang ginampanan ni Sen. Lito Lapid.

“He (Aljur) said yes to the project then a few days before we started the shooting, biglang nag-back out,” kumpi­sal ni Direk Brillante.

“Walang sinabing reason, basta wala na siya. But according to his manager, natakot daw. Kasi when he spoke daw in Kapampangan sa kanila, pinagtawanan siya ng mga kapatid niya.

“He must have felt insecure. I wasn’t expecting at all that he would back out,” pag-alala pa ni Direk Brillante sa ginanap na media conference / premiere night ng pelikula noong Martes.

At doon tinawagan ng award-winning director ang kanyang dating alaga, si Coco.

Hindi siya nito tinanggihan. Agad na tinanggap ng Batang Quiapo actor / director ang alok ng kanyang mentor.

Si Direk Brillante ang nagbigay ng breakout role kay Coco, ang Masahista, noong 2005 na nanalo ng award sa Switzerland.

Maging ang pangalang Coco Martin ay nanggaling din sa director / producer. Rodel Nacianceno ang real name ni Coco.

‘Dun nag-umpisa ang bonggang career ni Coco hanggang gumawa siya ng maraming indie films kasama na ang Daybreak na isang Boys’ Love film.

Ganundin ang Serbis na napanood noon sa Cannes Film Festival at ang napuring pelikula sa Cinemalaya Film Festival na Jay.

Pero ang nagbigay kumbaga ng mabigat na challenge kay Coco bilang totoong actor ay ang Kinatay. Tumanggap siya doon ng Best Actor awards.

“Marami kami talagang pinagsamahan so noong nataranta ako, kasi naka-set up na ang shooting, tapos biglang walang lead actor, siya agad ang naisip kong tawagan.

“Kasi kapag may problema siya sa set noon ng Probinsyano, he calls me up. So ako naman ang tumawag sa kanya, Sabi ko, may problema ako. ‘Yung artista ko, biglang nag-back out,” kuwento pa ng mahusay na director.

Pagpapatuloy niya : “Sabi niya, bakit, ano nangyari? So nagkuwento ako. Sabi niya, naku, kundi lang ako nagte-taping, ako na gaganap diyan.

“Pero may break kami sa taping, kasi magpa-Pasko. Sabi ko, are you serious? He said, Oo, aayu­sin ko ang schedule ko.

“So ayun, nag-shooting kami bigla na kasama siya kahit Pasko. Wala siyang naging Christmas vacation sa taping niya.

“Godsent talaga siya para sa Apag. Naging blessing in disguise ang pag-back out ni Aljur with Coco no less as his replacement.”

Hindi naman noon inasahan ni Coco na mula sa pagiging bold actor ay magiging massive ang kanyang kasikatan sa mainstream.

“Noong nagsisimula ako sa indie films, ‘yung ginagawa namin ni direk Dante (Brillante) nu’n, lalo na ‘yung first movie ko, Masahista, tapos medyo matured.

“Ang tingin sa akin ng network, ang tingin talaga sa akin noon, bold actor, sexy star. ‘Yun talaga ang ano nila sa akin,”  kumpisal naman ni Coco.

Pero nag-inquire sa kanila ang ABS-CBN noon para kunin siyang ka-love triangle nina Rayver Cruz at Shaina Magdayao sa isang teleserye.

“Siyempre, excited kami na makakapasok na ‘ko sa TV. Kumbaga, magkakaroon na ako ng regular show,” pagkukuwento ng Primetime King.

“Biglang binalikan kami, ang sabi, ‘direk, si Coco Martin pala ay bold actor. Eh alam mo naman, medyo conservative kung ila-love triangle kay Shaina saka kay Rayver.

“Kami naman, parang ‘eh di, okay, ‘di next time,’ ganyan,” patuloy ni Coco.

And the rest is history kumbaga.

Nasa rurok siya ng tagumpay kahit nagkaroon pa ng pandemya.

Bukod kay Coco, pawang bigatin ang kasama rito sa Apag including Jaclyn Jose, Gladys Reyes, Mercedes Cabral and Lito Lapid.

Also starring Julio Diaz, Ronwaldo Martin with the special participation of Shaina Magdayao, Joseph Marco, Vince Rillon, Mark Lapid, and Ms. Gina Pareño.

Si Coco ay si Rafael, ang anak ng mayamang may-ari ng events place pero may nagawang kasalanan.

Pero pagsisihan niya ‘yun dahil sa nakokonsensiya siya.

May tatak Brillante Mendoza ito kaya ma­ging si Coco ay na-amaze.

Kaya ang ending na talagang tatatak na ayon mismo kay Direk, idea ng actor.

Ang Apag ay “hapag” or ‘hapag kainan-dining table.’

Isinulat ni Arianna Martinez, ito ay personal daw na pagpupugay ni Brillante sa kultura ng Pilipinas.

Magugutom ka sa mga pagkaing mapapanood sa pelikula na nagpapahalaga rin sa kinagis­nang family values.

Napanood na ito at nanalo sa various international film festivals, including Busan in Korea, Warsaw in Poland, Bangkok in Thailand, Vesoul in France, among others.

Show comments