Spice girl turned fashion designer Victoria Beckham, pinuri ang pagrampa ni Heart

Heart
STAR/ File

Pinuri-puri ni Victoria Beckham si Heart Evangelista nang irampa nito sa Paris Fashion Week ang kanyang collection.

Nasa IG ng Spice Girl turned fashion designer ang Reel ni Heart na nirarampa ang dress and pouch sa Paris “@iamheart you look so good in my Pre Autumm Winter 2023 collection (available soon) and the jumbo Chain Pouch… Kisses!”

Well, nasa IG story rin lang naman ni Victoria si Julia Roberts na nagsuot din ng collection niya.

Samantala, nakipag-reunion si Heart sa ex niyang si Jericho Rosales kasama ang ibang orig Star Magic babies like Piolo Pascual, Bea Alonzo, Maja Salvador, Diether Ocampo with Mr. Johnny Manahan.

Parang kailan lang ang babata pa nila, nung kainitan ng kanilang career sa ABS-CBN, ngayon maputi na ang buhok nina Jericho and Piolo na hindi nila tinatago sa kanilang mga post, at mga certified tito and tita na sina Heart, Bea and Maja.

Show comments