Ejay, nagpaliwanag ng utang na loob sa ex-manager!
Kaloka, ang laki na pala ng isyu na ginawa ng ‘Ejay Falcon series.’ Nakakatuwa naman na dahil sa column at social media, nagagawa nilang tumawag para i-clear ang mga issue.
Tinawagan ako ni Ejay Falcon at talagang na-clear out niya itong issue sa kanyang dating manager na si Benjie Alipio. Sa kuwento ni Ejay parang ‘yung tampo ni Benjie eh, hindi talaga matinding tampo. Mukha namang may miscommunication lang silang dalawa, actually monthly raw silang nagkikita dahil sa inaabot niya kay Benjie.
Mukha namang sincere si Ejay nang makausap ko, at baka nga ‘tampong bading’ lang naman ang nararamdaman ni Benjie kaya baka kailangan lang intindihin.
Ang sarap ngang makita na ang alaga mo umaasenso, nagiging maganda ang buhay.
Siguro nga happy rin si Benjie na nakikitang maganda na ang buhay ngayon ni Ejay at gumaganti naman ng utang na loob by way of giving him a ‘monthly’ lucky envelope, sapat na siguro ‘yung patunay na hindi naman pinutol ni Ejay ang tali na nagbibigkis sa kanila ni Benjie.
Bongga.
Mayor Enrico, ‘di marunong tumanggi
Isa na yata sa pinakamabait na tao na nakilala namin ay si Mayor Enrico Roque ng Pandi.
Hindi ko ma-imagine na si Mayor Enrico sumasagot ng ‘hindi’ sa isang taong may hinihiling sa kanya. Talagang napaka-softhearted niya na lahat halos gusto niyang pagbigyan para walang sumasama ang loob sa kanya.
Kaya naman napakasuwerte ng Pandi na nagkaroon sila ng isang Enrico Roque na anak ng lalawigan na talagang nagmamahal at ang puso ay nasa lalawigan talaga. Basta mabait ang isang tao, you always remember them with a smile on your lips, ganyan si Mayor Enrico Roque, tuwing maaalala mo napapangiti dahil magagandang bagay ang naaalala mo tungkol sa kanya.
- Latest