Ewan ko kung bakit naisyung nalimutan ni Ejay Falcon na kumbidahin si Benjie Alipio, ang kanyang unang manager, sa kasal niya.
Naalala ko pa na si Benjie ang halos talagang sobra sa OA para lang makilala ng mga showbiz writer si Ejay noong nag-uumpisa pa lang siya.
Nakalulungkot sa mga taong pagkatapos tulungan ang isang talent, sumikat at makilala, limot na at hindi na pinapansin ng tinulungan nila.
Dun mo makikita ang character ng isang tao.
Iyon hindi marunong lumingon sa mga taong tumulong sa kanila at nagpagod para makilala sila.
Maliban na lang kung nagkaroon kayo ng masamang paghihiwalay.
Pero kung dahil sikat ka na, limot mo na agad ang mga taong nakatulong sa iyo, grabe ka, wala ka rin mararating.
Totoo ang karma, iyon kasabihan pag ginawa mo, tiyak babalik din sa iyo.
Kung isa kang tao na hindi marunong tumanaw ng utang na loob, meron din tao sa paligid mo ang gagawa nito sa iyo sa ibang pagkakataon.
Kaya dapat isipin ni Ejay na baka dahil sa ginawa niya kay Benjie kung totoo ito, ganun din ang maranasan niya.
Sad dahil nung panahon na walang pumapansin kay Ejay na nadiskubre sa probinsya, si Benjie ang hangang-hanga sa kanya.
At dun nagsimula ang kanyang pag-angat.
Sana hindi ito nalimutan ni Ejay dahil may nagsabi naman sa aking inimbita naman daw ni Ejay si Benjie.
At sana totoo ‘yung di nga niya nalimutan si Benjie.
Sana rin maging maganda na ang buhay niya na hangad naman para sa kanya ni Benjie umpisa noon pa.
At sana naman kahit meron oil spill sa bayan na kung saan vice governor si Ejay makatulong siyang mabuti.
Pero dapat tandaan na ang utang na loob ay hindi nababayaran.
Hay naku dapat maisip ito ni Ejay. Dapat maniwala rin siya sa kasabihang ang taong ‘di marunong lumingon sa pinanggalingan ay ‘di makakarating sa paroroonan.
Kahit itanong niya pa ‘yan sa mga kakilala niya.
‘Yun lang at babu.