Outfit ni Boy Abunda, kinakabog ang ibang guests!

Boy Abunda
STAR/ File

Nararamdaman ko ang kaligayahan ng mga nanonood kay Boy Abunda sa Fast Talk tuwing nagsasayawan sila ng kanyang guests sa bandang ending ng programa.

Talagang para bang isang happy reunion ang nangyayari  na biglang request ni Boy na magsayaw sila sa dulo ng programa.

Maganda ang ginawa ni Rommel Gacho, director ng show na idagdag ‘yun sa Fast Talk.

Naging very light ang dating ng bawat interview.

Kaloka rin ang mga outfit ni Boy na talaga naman inaabangan araw-araw. Buti na lang at hindi gaya sa Startalk na hinihingi ko ang shirts, ngayon walang kumukuha ng mga outfit niya na talagang kadalasan out of this world dahil avant garde talaga.

Si Boy lang ang puwedeng gumawa talaga ng ganu’ng eksena kaya text ko nga sa kanya na madalas inaagawan ng eksena ng suot niya ang mga bisita niya.

Congrats dahil talagang magiging addict ka sa panonood ng Fast Talk, at talagang bongga si Boy Abunda.

‘Huwag kang matakot basta nasa tama ka’

Kung minsan gusto ko nang matawa.

Imagine sa buhay kong ito,naranasan kong ma-ban, cancel at expelled, hah hah. Pero sa kabila ng lahat ng ‘yun, hanggang ngayon sa rami ng nag-power tripping para bumagsak ako, heto pa rin ako at nagsasabog ng lagim, hah hah hah.

‘Kaloka talaga ang buhay, ‘yun bang kung ‘di ka siguro matatag, at madali kang sindakin talagang matatalo ka.

Kaya naman tandaan, basta wala kang nagawang mali, wala kang nasaktan, huwag kang matakot dahil tiyak na malalagpasan mo ang lahat basta nasa tama ka.

Lagi kong katuwiran, basta gusto kong gawin at wala akong nasagasaang tao, gagawin ko dahil gusto ko. Kasi ang importante ‘yung paniniwala ko, hindi ‘yung sinasabi ng iba.

Mahalaga ang opinyon ng marami, pero higit na importante ‘yung gusto mo. Basta para sa ‘yo tama, ‘yun ang sundin mo.

Kanya-kanyang buhay, basta walang napinsala sa ginagawa mo, gawin mo.

Walang rules na dapat sundin sa buhay mo kundi ikaw, dahil katawan mo ‘yon. Ikaw lang ang dapat masunod.

Make your life happy, dahil buhay mo iyan. You owe it yourself, hindi sa iba.

Show comments